Vol. 2 Chap. 36: Blood's Untold Past

214 22 0
                                    

A/n: Ito po ay part one ng nakaraan ni Blood. Enjoy~

Blood's Pov

"Hoy! Pesteng magnanakaw to!" sigaw ng humahabol sa aking malaking mama dahil sa ninakaw kong tinapay sa tindahan nito.

Binehlatan ko ito sabay takbo ng mabilis. Nakatingin lamang sa amin ang mga tao at wala silang pakialam sa nangyayari. Lumiko kaagad ako sa eskinita at huminto saglit para habulin ang hininga ko.

"Talagang malilintikan ka sa aking bata ka!" rinig kong sigaw nung mama habang tuloy-tuloy siya sa kanyang pagtakbo at nilagpasan ang eskinitang pinagtataguan ko.

Dumistansya ako sa maruming pader na sinandalan ko at tumawa ng mahina. Humakbang na ako palabas ng eskinita pero nagulat ako ng may malaking katawan ang humarang sa daraanan ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ang galit na mukha ng mama na humahabol sa akin.

"Akala mo ba matatakasan mo ako bata?" sabi nito sa malalim na boses.

Dahan-dahan akong napaatras at tinangkang tumakbo ngunit agad nitong nahawakan ang damit kong butas-butas. Napalingon ako at biglang napahugot ng hininga ng sinuntok niya ng malakas ang sikmura ko.

Napaubo kaagad ako ng dugo. Tahimik akong napadaing at sinapo ang tyan ko.

"Akala mo ba yan lang ang gagawin ko sa'yo?" sabi nito at sumilay ang ngising nakakatakot sa labi nito. "Pwes, umpisa pa lang yan bata. Sisiguraduhin kong magtatanda ka at hindi mo na uulitin ang ginawa mong pagnanakaw sa tindahan ko."

Muli ay sinuntok ako nito sa sikmura sabay tapon sa akin sa marumi at mabahong eskinita. Nalasahan ko ang panghi ng tao nang unang bumagsak ang mukha ko sa magaspang na aspalto. Pero hindi ko na iyon nabigyan ng pansin dahil sumuka na naman ako ng dugo.

Napansin kong papalapit sa akin ang mama. Gumapang ako sa abot ng makakaya ko pero bigla akong napasigaw ng tapakan nito ang kamay ko at diniinan pa talaga nito. Napaangat ako ng tingin at maluha-luha ko itong tinitigan.

Inalis nito iyon at tuloy-tuloy akong sinipa sa tagiliran. Ang tangi ko lamang nagawa ay pinalibot ko ang mga tuhod ko sa katawan na parang isang sanggol. Sa edad kong apat na taon ay wala na akong kinikilalang pamilya. Simula ng inabanduna nila ako at hinayaang mamatay sa ilalim ng tulay.

Napaubo na naman ako ng dugo at ramdam ko ang sobrang pananakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ang kanang mata ko ay di ko na maibuka dahil sa sugat na natamo ko roon dahil umabot rito ang sipa ng mama.

"Sana ngayon ay magtanda ka na!" malamig na sabi nito at dinuraan ako sabay alis sa eskinita matapos magsindi ng kanyang sigarilyo.

Napayakap ako sa aking sarili habang pinipigilang maluha. Tapos na akong umiyak. Hindi na ako dalawang taong gulang para umiyak pa. Sa halip ay napangisi ako kahit na mahirap dahil sa basag kong labi. Pati nga ngipin sa harap ko ay ramdam kong lumuluwag na.

"HAHAHAHAHA," malakas kong pagtawa habang nakahiga sa maputik at maruming eskinita. "S-shit. Sisiguraduhin kong magbabayad kayo sa pag-abanduna niyo sa akin." napakuyom ako ng palad at tinakpan ang mga mata kong tuloy-tuloy na naglalabas ng luha.

Ipinapangako ko sa aking sarili na ito na ang huling beses na iiyak ako.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon