Vol. 1 Chap. 22: Bloodshed

316 29 0
                                    

Blood's Pov

Napahawak ako sa kanang braso ko na nadali ng pisting leader nila. Ang buong akala ko ay ako ang unang nakatama gamit ang baril ko pero nagkamali pala ako dahil mabilis niya lang itong hiniwa sa isang kumpas lang ng kanyang hawak na katana.

Sa sobrang bilis niyang kumilos ay kaagad siyang nakarating sa harapan ko at walang pagdadalawang-isip na patayin ako. Buti na lang nakaiwas ako at ang tanging nasagi lang ng katana nito ay ang braso ko.

Napatingin ako kay Cy na kasalukuyang nakikipaglaban. Sa nakikita ko ay lamang si Cy. Sugatan ang kalaban nito pero kahit ganun ay nakangisi ito ng malapad na tila ba nasasayahan ito sa kanyang ginagawa at walang iniindang sugat sa katawan.

"Ano? Pagod ka na ba? Huh? Sugatan mo pa ako." natatawang sigaw nito habang sumugod kay Cy.

Hinarang naman agad ni Cy ang kanyang katana at gumanti rin ng atake hanggang sa nakipagpalitan ulit sila nga mga atake.

Napasingkap ako ng may tumutok na katana sa may leeg ko. Shit. I was not paying attention. Napatitig ako rito.

"Eyes on me." malamig na litanya nito sabay alis ng katana.

Napahawak agad ako sa aking leeg. Napaatras ako at tinignan ito ng masama. Blanko lang ang titig nito at tila ba minamaliit niya ako ngunit may napansin rin akong kalungkutan rito pero agad ding nawala yun.

What was that?

-

Morgan's Pov

Hindi ko hahayaang magtagumpay ang mga to sa gusto nilang mangyari. Napalibot ang tingin ko sa buong lugar. At may napansin ako sa bawat sulok ng kwarto. May mga maliliit na kumikislap.

So, we're being filmed huh? Kung sino man ang nasa likod nito ay planado at pinaghandaan niya talaga ang lahat. How genius but not quiet.

I tapped my earpiece twice giving the signal to the other side. At muli ay namatay ang ilaw. Kaagad akong kumilos ng magsimulang magkagulo at magpaputok ang mga armadong kalalakihan.

So much noise.

Napasandal ako sa dingding at isinuot ang customized night vision chick glass ko. Pagkatapos ay bigla na lang lumiwanag ang paligid.

I almost cursed ng may papalapit na bala sa akin. I hastily grabbed someone at ginawa itong harang. She shouted at kaagad bumagsak ang katawan nito sa akin.

My bad.

Kaagad akong kumilos at kinuha ang combat knife na nakatago lang sa holster na nasa hita ko. Tumakbo ako hanggang sa makita ko ang isang lamesa na pwede kong gamitin para makaayat ako sa itaas. Wala kasing hagdanan mula rito sa baba.

Tumakbo ako ng tumakbo habang iniiwasan ang mga taong panay sigaw na para baga silang mga manok na na putulan ng ulo. I stopped midway at sa mismong harapan ko ay natamaan sa ulo ang isang lalaki na kaagad ikinamatay nito.

Pinahiran ko ang mukha ko dahil sa talsik ng dugo nito. Sumampa agad ako sa lamesa sabay talon at kapit sa railings at sinipa ang armadong lalaki na nagkakarga ng magasin. I stabbed him and slit his throat. He made a gurgling sound and a second later his body went limp.

Napatingin ako sa iba pang mga armadong kalalakihan. I advanced towards them at isa-isa ko silang sinaksak hanggang sa wala ng natira sa kanila.

Isang katahimikan ang agad namutawi sa lugar. Walang sigawan, walang sunod-sunod na tunog ng baril. Nothing. Seems like I'm the only person who's left here alone until I heard a click behind me.

Naramdaman ko agad ang malamig na bagay na nakatutok sa may ulo ko.

"Sino ka?" malamig na tanong nito. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

Grim.

Madilim parin ang paligid at ang tanging ilaw lang mula rito ay ang sinag ng malaking buwan sa likuran ko.

"Hindi mo na kailangang malaman pa." sagot ko rito at tumalon ako gamit ang bintana pabulusok pababa. Sumama ang mga bubog sa pagbagsak ko kaya nagtamo ako ng mga panaka-nakang sugat.

Tinanggal ko ang malaking bubog na bumaon sa kamay ko. Napaangat ako ng tingin at nakatayo doon si Grim ngunit hindi na ito nag-abalang tutukan ulit ako ng baril.

Sumaludo ako rito at naglakad papunta sa masukal na gubat. I took a deep breath at pinunit ang suot kong dress at itinali ko ito sa kamay ko.

"Need some help?"

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon