Vol. 1 Chap. 20: Enemies

333 31 0
                                    

Wild's Pov

Gusto ko pa sanang tanungin ang lalaking 'to kung sino ang nag-utos sa kanya pero sadyang hindi talaga ito nagpatinag at tikom lang ang bibig kaya't wala narin akong nagawa kundi ang paslangin ito.

Lumipat ako ng pwesto at iniwang nakasabit ang bangkay nito sa puno.

Alam kong marami pa ang nandito ngayon kaya kailangan kong talasan ang pakiramdam ko sa paligid. Kailangang hindi ko mabigo ang head ng Rasmussen.

-

Blood's Pov

"Kuya Blood, matagal pa ba sila mama at Grim doon sa meeting?" tanong ni Luka.

Napalingon ako rito. Kasalukuyan itong nakaupo sa may pangatlong baitang ng hagdanan at nakatitig sa labas ng pintuan. Humihikab pa ito paminsan-minsan. Ibinalik ko ang tingin sa labas. Nakatayo at nakasandal lamang ako habang pinapakiramdaman ang paligid ng manor.

Masyadong tahimik.

"Kuya Blood?"

"Yes Luka?" sagot ko rito ng hindi lumilingon sa kanya.

"Kamusta si ate Morgan?"

Alam kong nag-aalala ito ngayon kay Morgan dahil sa nangyayari. Bukod kay Grim, si Morgan lamang ang nakakapagkalma kay Luka sa tuwing aatakihin ito ng kanyang kakaibang kalagayan.

"Alam kong magiging maayos din ang lahat Luka. Kaya na ni Morgan ang sarili niya. Huwag ka ng mag-alala masyado." sabi ko rito.

Napatigil kami sa pag-uusap ng may putok ng baril ang nanggagaling sa loob ng gubat. At isang nagdadalamhating alulong ng mabangis na hayop. Ang alaga ni Cyan.

"Anong nangyayari kuya?" nag-aalalang tanong ni Luka at ngayo'y nakatayo na ito sa hagdanan.

"Luka. Dito ka lang. Huwag kang lalabas ng manor, maliwanag ba?"

"Pero kuya-

Tinignan ko ito ng seryoso. "Dito ka lang. Huwag kang lalabas."

"O-okay."

Nagmadali akong lumabas ng manor at sinarado ang main door. Huwag mong sabibing nandito na sila?

"Blood."

Napatingin ako sa may gilid ko at nakita ko si Cyan na naghahabol ng kanyang hininga at pawisan ito. Dala-dala niya ang kanyang katana.

"Humanda ka Cyan. Nandito na sila." sabi ko rito.

"Nakahanda na ako."

Pumwesto kami sa harap ng manor na 'tila pinoprotektahan ito laban sa mga kalaban. Ilang sandali pa ay may lumabas na anino sa loob ng kagubatan.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Anim.

"Magandang gabi." natatawang sabi nung maliit sa kanilang pangkat habang dinidilaan ang hawak na patalim na may bakas ng dugo.

"Anong kailangan niyo?" seryosong tanong ni Cyan rito.

Anim silang lahat. Hindi pamilyar ang mga 'to. Nasasabi kong naiiba sila sa mga naunang ipinadala para tapusin si mama at ang household ng Montgomery. Nararamdaman ko ang mga enerhiya nila. Kakaiba. Hindi sila mga ordinaryong tao.

Huwag mong sabihing?

"May tao lang kaming gustong makita." sagot nung pinakamalaki sa kanila. May mga tattoo ito sa kanyang dalawang braso hanggang sa loob ng kanyang batak na katawan. At nakakatakot talaga ang kanyang itsura. Para siyang isang serial killer. Hindi pala para. Isa talaga itong serial killer.

"Sino ang hinahanap niyo?" at ngayon ako na ang nagtanong sa kanila.

Umabante ang nag-iisang babae sa kanilang grupo at itinapon nito ang upos ng sigarilyo sabay tinapakan ito. Itinagilid nito ang kanyang ulo.

Ngayon ko lang napansin na magkaiba ang kulay ng kanyang mga mata.

"Kailangan namin ang bunso ng Montgomery." malamig na litanya nito.

Napatingin kami sa isa't isa ni Cyan. Anong kailangan nila kay Luka?

"Mabuti pa at isuko niyo na ito kung ayaw niyong masaktan." pakli naman nung mahabang buhok na lalaki. May dala-dala itong dalawang baril.

"Oo nga naman." komento nung nakaupo na lalaki habang bored na nakatingin sa amin.

"Tsk. Hindi niyo makukuha si Luka." iritang sabi ko sa kanila.

"Hmm. Luka pala ang pinangalan niyo sa kanya? Hindi ba't ang swerte naman ni S-13?"

S-13? Ano bang pinagsasabi ng mga 'to?

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon