Vol. 1 Chap. 24: Victim

302 27 0
                                    

Cyan's Pov

Nakasandal ako sa labas ng kwarto ni Luka nang marinig ko ang sigaw nito kani-kanina lang.

"Kuya Blood. Patawad. Hindi ko na naman na-kontrol ang sarili ko. I'm sorry. I overdid it again. I killed them all. Hindi ko gustong pumatay pero hindi ko makontrol ang sarili ko. I'm a monster." ngawang pahayag nito.

Napasilip ako sa labas ng bintana. Biglang bumalik sa akin ang nangyari noong gabing sinalakay kami ng isang grupo.

I was busy fighting the two of them nang bigla na lang may sumigaw ng malakas. Sigaw ng isang taong puno ng galit at labis na hangaring pumaslang. Hindi ko napansin na nagsitayuan na ang lahat ng balahibo sa katawan ko.

"Luka?" mahinang tawag ko.

Napahinto rin si Blood at gulat na napatingin sa direksyon ng bunsong kapatid namin. His normal grey eyes became bloody red with full of killing intent.

"Luka?" sigaw ni Blood at patakbong pumunta sa pwesto nito pero kaagad kong pinigilan ito.

"Cy? Anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong nito.

I glared at him. "Tignan mong maigi si Luka. Hindi siya ang Luka natin. Masasaktan ka lang niya kapag nilapitan mo siya. Kapag nangyari yun, hindi ko mapipigilan si Luka. Tanging si Morgan at Grim lang ang makakapigil sa kalagayan niya ngayon."

"Pero.."

"No. Ayokong saktan si Luka. Kapag nalaman niya ulit na sinaktan ka niya. Hindi niya kakayanin. Mawawala siya sa katinuan niya."

"So, nagpakita ka rin S-13." sambit ng maliit sa kanilang pangkat habang nakangisi ng malapad.

Napalingon si Luka rito at walang pasabing sinugod ang lalaki. Walang kahit anong armas si Luka sa kanya ngayon pero nagulat kami ng bigla na lang napaluhod at namilipit sa sakit ang lalaki hanggang sa napahiga na ito sa damuhan.

Butas ang tyan at nakalabas ang lamang-loob nito. In a matter of second ay nagawa ito ni Luka gamit lamang ang kamay nito.

Ito ba ang batang tinuruan kong humawak ng katana noon? Did I awaken something from Luka then?

"Cyan? Bakit nakatulala ka dyan? May bumabagabag ba sa'yo?" tanong ni Blood.

Napasilip ako sa pintuan ng kwarto ni Luka.

"Nakatulog na ulit ito. Binabangungot siya."

Napatango ako. "Si Luka? Sino ba talaga siya?"

Napabuntong-hininga si Blood at tumingin narin sa labas ng bintana. Sa buwang nakasilip.

"Bunsong kapatid natin siya Cy. Hinding-hindi natin susukuan si Luka kahit ano man ang mangyari." seryosong litanya nito.

Napatango ako at napapikit. Hindi ito ginusto ni Luka. Napahawak ako sa kaliwang mata ko. Pinadagan ko ang daliri ko sa malaking hiwa na siyang naging dahilan ng pagkabulag ko. Hindi niya gustong manakit o pumatay ng tao.

Isa lang biktima si Luka.

This I know but there's something odd about this whole ordeal. I can't seem to fathom what it is. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang nangyayari rito. Malakas ang pakiramdam ko na may mangyayari pang mas malala sa hinaharap.

-

Morgan's Pov

"Okay. Good night, Grim." bati ko at ibinaba ang telepono.

Napahiga ako sa kama at napatingin sa dull-colored ceiling. Anong gagawin ko? Uuwi ba ako sa mansyon? Baka magalit si mama sa akin kapag ginawa ko yun. Pero hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan ngayon ni Luka.

"Oh? By the way Mor, ilang gabi ng binabangungot si Luka. Palagi ka niyang hinahanap sa amin."

"What? Okay lang ba siya?" nag-aalala kong tanong.

"He's doing fine. Huwag ka ng mag-alala. Sinasabi ko lang ito sa'yo hindi para pag-aalalahanin ka kundi para malaman mo parin ang nangyayari sa paborito mong kapatid."

Napabuntong-hininga ako. Luka is not doing good. Kailangan kong makita si Luka.

Kinabukasan, sabado ay maaga akong nagbihis at lumabas ng suite ko. For the first in forever, sumakay ako ng bus. Ngunit hindi kagaya ng train, mas kalmado ang mga tao dito at tama lang din ang mga sakay na pasahero.

I quitely sat at the back at napatingin ako sa labas ng bintana.

Sana maging maayos ang pagbalik ko sa mansyon.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon