Morgan's Pov
I opened my eyes and killed the alarm clock which about to destroy my poor eardrums. Ipinatong ko ito pabalik sa drawer at umupo sa kama. I stretched my numb arms and heaved a yawn.
Napatitig ako sa malaking portrait na nakapatong sa pader sa harapan ng kama ko. Kulay itim lamang ito at may panaka-nakang bahid ng kulay pula at puti. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa larawan pero ibinigay ito ni mama kaya simula noon iniingat-ingatan ko na ito.
I may not know what it was, but for me, it was precious and should be treasured.
"This gift is for my beloved, Morgan." Is what mama said back then.
"Morning." I whispered.
Ruin's Pov
"Good morning, my dear Ruru."
Hinaplos ko ang larawan nito at ang kulay kahel na jar na pinaglagyan ko sa abo nito. Ako lamang ang tanging nag-cremate sa katawan ni Ruru. Ngayong wala na ito, hindi ko na kailangang bumalik pa sa manor ng matanda. Wala na kaming obligasyon pa sa pamilya Minato. Si Ruru lang naman ang gustong maglingkod sa pamilyang 'yon.
Kung alam lang sana ni Ruru kung anong tunay na kulay ng matandang 'yon. Ang pamilya Minato lang naman ang dahilan kung bakit namin dinanas ang lahat ng 'to. Kung bakit pareho kaming nabaliw ni Ruru.
Galing kaming paaralan noon at pauwi na nang makita namin ang karumal-dumal na pagpaslang sa mga magulang namin. Naalala ko pa ang labis na paghihinagpis. Ang mainit na yakap ni Ruru. Doon ko labis na hinangaan ang kakambal ko. Hindi siya umiyak at nagpakita ng kahinaan. Siya ang naging sandalan ko.
"Ne, Ruru. Alam ko namang matalino ka pero bakit hindi mo nalamang ang pamilya Minato ang nagpapapatay sa mama at papa?" tanong ko sa hangin.
"Bakit ka naniwala at nagpalinlang sa mantandang 'yon?"
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Napayuko ako at tinakpan ang mukha ng mga palad ko. Hindi nagtagal ay tumulo na ang luha sa mga mata ko.
"May aaminin ako sa'yo, Ruru," panimula ko at tumingin sa larawan nito. Tuloy parin ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. "Ako ang pumatay kay brother Marcos. Haharang-harang kasi siya sa daan ko. Hindi ko naman talaga siya balak patayin nung gabing 'yon pero naalala ko ang ginawa ng ama nito kaya damay-damay na 'to. Pasensya ka na kung pinatay ko ang taong nag-aruga sa atin. Alam ko namang hindi alam ni kuya ang nakaraan natin at wala siyang kinalaman doon pero kailangang may gawin kang sakripisyo, hindi ba? Sinabi mo 'yon sa akin, Ruru. Ikaw ang nagturo sa akin nun. Ginawa ko naman ang tama, diba?"
Tumayo ako at lumapit sa larawan nito.
"Ruru naman magsalita ka naman. Galit ka ba?" malumanay kong tanong at hinahaplos ang larawan nito. "Kung gayon, bahala ka. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Nakita mo naman ang reaksyon ng matanda. Halos mamatay na ito dahil sa pangungulila. Narinig ko siya isang araw na umiiyak sa kwarto nito. Ang sarap sa tenga, Ruru. Parang naipaghiganti ko narin si mama at papa. Gusto mo rin 'yun diba? Ang maipaghiganti sila."
Biglang uminit ang ulo ko nang wala akong matanggap na pagsang-ayon mula rito. Sumigaw ako at tinabig ang lahat ng nasa maliit na lamesa. Nahulog ang lahat ng gamit kasama na roon ang larawan ni Ruru at ang jar na pinagsidlan ng abo nito. Nabasag ang frame at jar at kumalat sa sahig ang abo.
"Shit. Shit. I'm sorry, Ruru."
Dali-dali akong umupo sa sahig at inipon ang abo nito. Hindi ko na pinansin ang bubog na tumusok sa kamay ko at ang dugong humalo sa abo.
"I'm sorry, Ruru." Paghingi ko ng pasensya habang sumisinghot.
Ang pag-iyak ko lamang ang tanging maririnig sa apat na sulok ng maliit na apartment. Yumuko ako at niyakap ang sarili na parang isang bata.
Nag-iisa na lamang ako ngayon. Gusto ko ulit kayong makasama.
Mama.
Papa.
Rukia.
Pero hindi pa ngayon. Gusto ko munang makita at makilala ang taong nagpabagsak sa kakambal ko.
"Morgan," bulong ko. Paulit-ulit kong binubulong ang pangalan nito hanggang sa makatulog akong nakahiga sa abo ni Ruru.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...