Third Person's Pov
Kasalukuyang nagtitipon ang mga pinuno ng Night, isang organisasyon na kilala bilang notorious na grupo sa underground society. Pinamumunuan ang grupo ng sampung malalaking pamilya. Andrews, Gallagher, Hunter, Lanchester, Montgomery, Rasmussen, Ross, Snow, Travis and Thornton.
"Anong gusto mong pag-usapan Elizabeth?" tanong ng matandang lalaki sa magandang binibini.
Ang lahat ng pinuno ay nakatingin sa kanya. Si Elizabeth ang head ng Montgomery household. Sa gilid niya nakatayo ang kanyang panganay na anak na nagngangalang Grim.
Tumikhim at sumandal sa kanyang silya. Ngumisi ito. "May gusto lang akong tanggalin na tinik ngunit hindi ko maabot-abot Luther. Masyadong nawiwili na yata ito at hindi na kusang umalis pa." saad nito.
Si Luther ang head ng Travis household at ang pinakakilalang drug lord sa lugar nila. Marami itong mga ari-arian at mga tauhan. May dalawa itong anak.
"Tinik? Eh bakit hindi mo iinom ng tubig 'yan Elizabeth? Baka sakaling matangay ng agos at malunod." wika rin nito at ngumisi sa kanyang sinabi.
Napangiti si Elizabeth sa turan ni Luther. Sumingit naman sa pag-uusap ang head ng pamilya Gallagher, si Isaac, kaya napatingin ang dalawa rito.
"Bakit hindi mo na lang kami diretsuhin Elizabeth? May lakad pa kami at wala kaming oras sa mga pakulo mo." inis na pakli nito.
"Oo nga naman Elizabeth. Ano bang ibig mong sabihin sa sinabi mo?" segunda ng head ng pamilya Andrews na si Alexandra. Katabi nito ang kanyang panganay rin na anak na nagngangalang Saya.
Tumango-tango naman si Elizabeth sa kanila at bumulong sa kanyang panganay na anak. Lumabas muna saglit si Grim sa silid ng kanilang pinagtipunan at bumalik rin agad dala ang black briefcase at isang itim na payong. Tahimik itong bumalik sa gilid ng kanyang ina.
"Salamat Grim." tumango naman si Grim at inilapag ang briefcase sa lamesa.
Binuksan ni Elizabeth ang briefcase at kinuha ang laman nitong mga larawan at itinapon sa gitna ng lamesa.
"Ano ang mga ito Elizabeth?" tanong ni Ronald, ang head ng pamilya Thornton sabay kuha nito ng isang larawan na napadpad sa gawi niya. Kumuha narin ang iba pa.
"As you can see ladies and gentlemen, there's someone who wants me dead. Nakikita niyo naman kung ilan ang mga ipinadala nitong assassin para mapatay lang ako." matigas na litanya nito at tinignan isa-isa ang mga pinuno.
Ang laman ng mga larawan ay mga bangkay na hati ang mga katawan. Wakwak ang tyan o di kaya nama'y hindi na maitsura dahil sa sobrang nipis ng pagkahiwa sa kanila. Ito ang nangyari sa mga nagtangka sa seguridad ng pamilya Montgomery sa loob ng nagdaang 12 taon. Matagal na itong gustong pag-usapan ni Elizabeth ngunit naghintay muna ito at nagbabakasali na itigil na ang pag-atake sa kanya ngunit hindi nangyari.
"Isa lang ang masasabi ko. Sa oras na malaman ko kung sino ang may pakana nito. Humanda siya sa akin. Go on. You can still try but you will never succeed!" isang mapangahas na pahayag ang binitiwan nito at tinitigan ng masama ang isang tao bago tumayo at nilisan ang lugar.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Akcja[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...