Vol. 3 Chap. 56: Paano

141 9 1
                                    

Morgan's Pov

Napasimangot ako nang mapansin ko ang babae na nakaupo sa may gilid ng mayabong na puno. Nanginginig parin ang mga braso nito. Hindi ba't sinabihan ko na itong umalis na? Ano pang ginagawa niya rito?

Maya-maya lang ay may darating ng mga pulis rito.

"Hey, what are you still doing here? Hindi ba't ang sabi ko umalis ka na?" Malamig kong tanong.

Napaangat ito ng tingin habang nakaupo parin.

"D-did you kill her?"

"Bakit mo tinatanong 'yan? Isusumbong mo ba ako sa pulisya?"

Kaagad itong napailing at tumayo.

"N-no. Hindi kita isusumbong pero pinatay mo ba talaga siya?" muling tanong nito habang nakayuko. Nanginginig ang buong katawan nito.

"Naipaghiganti ko na ang boyfriend mo kaya huwag ka ng mag-alala. Umuwi ka na lang sa inyo."

Nagsimula na akong maglakad nang tawagin niya ako.

"Miss Morgan. Paano kung tanungin ako ng pulisya? Anong s-sabihin ko?"

Lumingon ako rito.

"Marunong ka bang magsinungaling?" tanong ko ng blanko ang tingin.

"Huh?"

"Magsinungaling ka. Huwag mong sasabihin sa kahit na sino ang nangyari ngayong gabi," sabi ko at tumalikod. "Kung ayaw mong ako mismo ang hahanap at papatay sa'yo. Kung naiintindihan mo. Gawin mo ang madalas mong ginagawa."

Hindi ko na ito nilingon pa at naglakad na sa kadiliman. Napahawak ako sa aking dibdib. Kanina nararamdaman ko ang halimaw sa loob ko. Bigla akong nangamba sa pwedeng mangyari. Pero mabuti naman at hindi ito lumitaw.

Hindi ko na uulitin ang ginawa ko kanina. Ngayon, may isang sibilyan na ang nakakilala sa akin.

Paano kung hindi niya ako sundin?

Paano kung dahil sa ginawa ko ngayon mapapahamak sina mama?

Paano kung mali pala ang ginawa kong pagpatay sa babaeng 'yun?

Shit! Bakit ba kasi hinayaan ko na naman ang awa na manaig sa akin? Bakit? Ano bang mapapala ko kapag may tinulungan na naman ako?

Sa huli, sila lang din ang tatraydor sa akin.

Sila na tinulungan ko.



Cyan's Pov

Gabi na. Bakit wala parin si Morgan? Nasaan na kaya 'yun? Narito ako sa harap ng gate ng Montgomery. Nakatayo sa ibabaw ng mataas na pader na napupuno ng tanim na mga patalim. Kanina ko pa hinihintay ang pagbabalik ni Morgan. Nakatanggap kasi ako ng mensahe galing kay Grim na hindi na niya masusundo si Morgan.

"Saan ka na ba, Morgan?"

I heard a loud roar from the bottom of the Dark Forest. I heard a faint footsteps from a short distance.

"Morgan!"

Tumalon ako mula sa aking kinatatayuan.

"Morgan. Saan ka ba nanggaling? You're late." tanong ko sa kanya.

Teka. What happened to her uniform? Is that blood on her fingernails?

"I'm sorry Cy. I killed someone tonight without mama's permission." aniya sa malamig na boses.

Oh shit.

"Hindi mo naman ginawa 'yun ng walang dahilan, hindi ba?"

Nakatitig ito sa akin at napailing.

"No. I helped someone but I failed. Napatay na niya ang isa pagkarating ko."

Still no emotion. I grabbed her and hugged her.

"Sssh. It's okay. It's okay. You did the right thing. I'm sure mama will understand you." sabi ko habang hinahaplos ang mataas at sobrang itim niyang buhok gaya ng sa akin.

"Did I really do the right thing, Cy? bulong nito. Naramdaman ko narin ang pagbalik niya ng yakap.

Mas hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap ko sa kanya. Patawarin mo sana ako sa gagawin ko Morgan.

"Oo, Morgan. You did the right thing."

"I'm glad. I'm glad, Cy."

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon