Vol. 1 Chap. 4: Parusa

598 59 16
                                    

Grim's Pov

Hindi ko nagustuhan ang pasya ni mama na wag munang patayin ang traydor sa organisasyon. Hindi totoong hindi pa namin alam kung sino ang gustong pumatay kay mama. Gustong-gusto ko na siyang patayin kanina ngunit hindi ko ginawa dahil ang sabi ni mama hindi pa ito ang tamang oras para isagawa 'yun. Maglalaro muna kami sa larong gusto nito hanggang sa siya na mismo ang mapagod at kusang susuko.

"Welcome back mama and kuya Grim." bati ng kapatid kong si Morgan kasama sina Cyan, Blood at Luka sa kanyang tabi.

"We're home." masayang wika ni mama at lumapit kay Luka sabay yakap ng mahigpit rito.

Tumango ako kay Cyan at Blood. Ganun rin naman sila. Napatingin ako sa benda ng braso ni Blood at may bakas pa ito ng dugo. Tinignan ko ito ng nagtataka at nagkibit-balikat lamang siya. May kinalaman na naman siguro rito ang bunso naming kapatid.

"Mama anong nangyari sa lakad niyo?" excited na tanong ni Luka. Hindi na lingid sa kaalaman namin kung sino si Luka at anong kaya niyang gawin na hindi mo aakalaing magagawa niya.

Natigilan saglit si mama at sinuri si Luka. "Sandali, ano na namang ginawa mo Luka?" tanong nito. Napayuko naman si Luka. Nawala ang galak sa kanyang mga mata kanina.

"Pa-patawad mama. Sinaktan ko po si kuya Blood at yaya." pag-amin nito. So, tama nga ako. Si Luka nga ang may gawa ng sugat sa braso ni Blood.

Napakamot naman ng ulo si Blood. "Wala kang kasalanan Luka. Alam kong hindi mo 'to ginusto." saad nito.

Tumikhim si mama dahilan para mapatingin kami sa kanya. "Sumama ka sa akin Luka." malamig na wika nito at umakyat ng hagdanan ng hindi kami nililingon. Kaagad namang sumunod si Luka sa kanya.

"Kamusta nga pala ang lakad niyo Grim?" tanong ni Cyan.

"Wala masyadong nangyari. Hindi ako pinayagan ni mama na paslangin ang taong may pakana ng pag-atake sa kanya." inis kong usal.

"Baka may ibang pinaplano si mama kaya ganun." singit naman ni Morgan sa tabi ko kaya napatingin kami sa kanya.

Hindi maipagkakaila ang pagiging matalino at mahusay ni Morgan sa pakikipaglaban. Isa siya sa kayang kumontrol kay Luka maliban kay mama at sa akin. Mahaba ang kanyang kulay itim na buhok gaya ng kay Cyan. Pitong taon ang agwat namin sa isa't isa.

"Oo nga. Hindi tanga si mama para buhayin ang isang 'yun." segunda naman ni Blood.

Hindi nagtagal ay bumaba ng hagdanan si mama ngunit walang kasamang Luka.

"Nasaan si Luka mama?" tanong ni Morgan rito. Huminto ito sa pangatlong baitang ng hagdanan.

"Hindi niyo na muna pwedeng makita si Luka simula sa araw na ito. Nagiging mapanganib na siya kaya kinulong ko muna siya sa basement." malamig na pahayag nito. "Pakakawalan ko rin siya kaya wag kayong mag-alala. Pansamantala lamang ito hanggang sa kaya na niyang makontrol ang sarili niya."

Nabigla man ay wala kaming magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nagiging mapanganib na rin talaga si Luka. Hindi na niya nakokontrol ang sarili niyang emosyon. Baka nga mabuting paraan ito para magkaroon pa ng tapang si Luka na hindi magpadaig sa sariling emosyon.

"Pero.."

"Pasensya na Morgan pero hindi ko na hahayaang pati ikaw masaktan na rin niya." matigas na pahayag nito.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon