Vol. 1 Chap. 23: Incoming Call

306 29 0
                                    

Morgan's Pov

Napahikab ako habang naglalakad papasok ng paaralan. Inaantok parin ako. Gusto ko ulit humiga at matulog. Buong buhay ko, ngayon lang ulit ako napagod ng ganito.

Siguro dahil matagal narin akong walang misyon.

Matagal ng walang pinapagawa sa akin si mama. Kaya siguro ganito na lang ang nararamdaman ko. Tho, hindi naman ako nagkulang sa pag-eensayo ko. Sadyang napasubo lang talaga ako kagabi. Sana pala hinayaan ko na lang ang mga nandoon na mamatay. Total naman ganun rin naman ang hangarin nila sa isa't isa. Pero hindi, nandoon si mama. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang.

Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba kasi ako tumalon sa taas na yun? Tuloy, marami akong natamong pasa at sugat. Nakakaloka naman kasi si Grim. Bigla-bigla na lang susulpot sa kung saan at tatanungin kong sino ako.

Sa ugali ni Grim, mabuti narin yung ginawa ko. He's too persistent at hindi talaga ako nun patatakasin hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.

Sigh.

"Morgan? Prinsesa. Anong nangyari sa mukha mo?" biglang sulpot ni Piper.

Let's pretend we didn't hear it.

"Wala." sagot ko rito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong wala? Ba't may band-aid ka sa mukha mo?"

"Wala nga lang to Pipe. Wag mo akong kulitin ngayon masakit ang ulo ko."

If I know better, katulad rin pala siya ni Grim.

Hinawakan nito ang wrist ko at pinaharap ako sa kanya. Nagulat ako dahil sa pagkaseryoso ng mukha nito. Is he serious?

"Nag-aalala ka ba sa akin?" prankang tanong ko rito.

Napabitaw naman ito sa akin at tila ba nabigla sa sinabi ko.

"Bakit? May problema ba? May mali ba sa pag-aalala ko sa'yo?" natauhan at seryosong pahayag nito.

No way.

Bakit naman siya mag-aalala sa akin?

Kilala niya ba ako?

Alam niya bang marami ng dugo ang dumungis sa mukha na 'to?

Alam niya bang marami na akong natanggap na sugat higit na mas malala pa sa nakikita niya ngayon?

Alam niya bang may nagtatagong halimaw na gustong kumawala sa katauhan ko?

Alam niya ba?

Hindi. Kaya bakit ang isang katulad niyang taga-labas ay may lakas ng loob na sabihing nag-aalala ito sa akin.

"Morgan?"

Napailing ako. "I'm. I'm really fine, Pipe. Salamat sa pag-aalala."

"Kung may pinagdadaanan ka man. You can count on me."

This guy is totally weird, I know yet there's something interesting about him. Napatango ako rito na siya namang nagbigay ng ngiti sa labi niya. Tila ba nabawasan ang sakit sa katawan ko ng makita ko ang ngiti nito, which is weird.

Sigh. Nagiging weirdo narin ba ako?

-

Grim's Pov

Napatitig ako sa telepono na nasa ibabaw ng babasaging mesa. Hanggang ngayon bumabagabag parin sa akin ang nangyari sa House of Cards.

Sino ang babaeng 'yun? Hindi ko pa nakikita ang mukha niya sa kahit anong underground society gatherings.

Pero ang nakakapagtaka, sobrang pamilyar ng pinakita nitong galaw at pakikipaglaban sa mga armadong kalalakihan na yun. Sobrang pamilyar.

Katulad ng katulad sa isang taong kilalang-kilala ko.
Possible kayang ikaw at ang taong yun ay iisa..

Incoming call..

"Morgan."

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon