Vol. 2 Chap. 30: Memory Of Tears

232 24 2
                                    

Morgan's Pov

Tahimik kaming kumakain nang bigla na lamang tumunog ang telepono. Wala sa sarili kong kinagatan ang hawak kong sausage.

I chewed it slowly.

"Am I a monster?"

That question yesterday kept on ringing inside my head. Hindi ako makatulog ng maayos. Alam ko, I'm not a normal person. I killed people I don't even know on a daily basis because of the world we live in.

I'm not normal, yes.

But am I really a monster?

Pumapatay ako ng mga taong mamamatay tao rin o di naman kaya mga corrupt na opisyal. Hindi pa ako pumatay ng taong inosente, sa naaalala ko.

I won't definitely kill just for fun. Only those pychotic killers will do it.

I am not a psycho.

Pero.

Kahit na wala akong maalala sa nangyari isang buwan na ang nakakaraan. Ramdam ko parin sa katawan ko ang galak at kasiyahan. I'm so eager to taste blood. Kahit ngayon gusto ko ulit matikman kahit isang katiting lang ng naramdaman ng katawan ko noon.

Bakit nangyayari sa akin ito?

"-gan."

Why now?

"Morgan? Nakikinig ka ba?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Blood malapit sa akin. Napaatras ako. At uminom ng tubig saglit.

"Bakit?" tanong ko.

"What?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Ang sabi ko kamo. May tawag ka sa telepono."

"Why?" tanong ko ulit sa nagtatakang boses.

Ako may tawag? It's a first. Kanino naman kaya galing?

"Just go answer it Morgan. It must be important, right?" singit ni mama sabay ngiti.

Napatango ako at nagpaalam saglit. Tahimik kong tinungo ang sala kung saan nakalagay ang telepono sa sulok malapit sa malaking portrait ng pamilya. Napatitig ako sa larawan at napangiti. Naaalala ko, kinuha ang larawang to noong sampung taong gulang pa lamang ako. I was holding little Luka's hand. He just turned 5 year's old that day. A month after turning, exactly.

Mama was sitting in a silver chair. On her right side, Grim was firmly standing while glaring at the camera. Napailing ako. Kahit noon pa man nakakatakot na talaga ang mga mata ni Grim. It has this killer aura all the time. It's hard to make eye contact, obviously but we're already used to it. Kahit na ganito si Grim, he's really devoted to this family. Kahit ano ay gagawin niya maprotektahan lang ang Montgomery household. Katabi naman nito si Blood, nakangiti ito ng malaki. It almost looks comical. He's holding her favorite gun, Scarlet. Yup, pinangalanan niya ito.

Napadako naman ang tingin ko sa kinse anyos na si Cy. Mahaba-haba na ang buhok nito. Ang mukha nito ay hindi nakangiti ngunit hindi rin naman nakasimangot. It was just neutral. Katulad ng katulad sa ugali nito. He's my trainor and my bestfriend. Naaalala ko pa noon, kahit na tinatakasan ko ang practice day namin. Before I go to sleep, kakatok ako sa pinto ng kwarto ni Cy para lang kamustahin ang araw nito. Mag-uusap kami buong gabi at sa huli ay katabi ko itong matulog. We're that close.

And there I am with Luka. We're both smiling.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng bigla itong sumakit. Napatitig ako sa mukha ng limang taong gulang na si Luka. He's so innocent, or so I thought.

Thud!

Napalingon ako ng mapansin ko si Cy na bumagsak sa sahig. Agad akong nataranta at sinaklolohan siya.

"Cyan! Cy! Anong nangyari?" tanong ko pero tila ba isa lang akong hangin na nilagpasan nito.

What? He just passed through me. Napalingon ako rito. Gumigiwang itong naglalakad habang nakatakip ang kanyang kamay sa kaliwang mata nito.

Napadako ang tingin ko sa sahig.

Blood. There's so much blood.

"No! Cy. Anong-

"Cy! Wait. You need to get treated immediately."

I gasped ng biglang lumusot sa katawan ko ang sampung taong gulang na si Morgan. What? That was me.

"No. I'm fine."

"No. Hindi ka okay, Cy. Look at you. You're bleeding," little Morgan cried. "You. Don't die on me. Huwag mo akong iwan, Cy. No."

Napahawak ako sa bibig ko. Is this my memory? I don't remember having one. No. I don't remember shedding that much tears. Hindi pa ako umiyak kailan pa man. I can't feel anything, right?

No.

"Don't die!" little me started wailing while hugging Cyan tightly. "Cy. Kuya Cy."

No. Napatakip ako sa tenga ko.

Stop!

Stop it!

Don't cry.

You are not weak. You're not supposed to cry that hard!

Stop!

Please, stop.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon