Morgan's Pov
"Miss, gising. Nandito na tayo. Ito na ang huling bus stop. Miss."
Naramdaman kong may tumapik sa balikat kaya napamulat ako at ang una kong nakita ay ang mukha ng matandang drayber. Inayos nito ang kanyang suot na asul na sumbrero.
Kinusot ko ang mata ko at napatingin sa labas.
"Miss. Bilisan mo at lumabas ka na. Babalik na ako sa istasyon." sabi nito at bumalik sa kanyang pwesto.
Napatayo ako at napatingin sa matanda na kasalukuyang hinihintay ang pagbaba ko para makaalis na ito.
"Salamat manong." tugon ko rito at bumaba gamit ang pangalawang pintuan.
Hindi nga nagtagal ay pinaharurot na nito paalis ang sasakyan. Napatingin ako sa maliit na bus stop. Bigla kong naalala ang nakaraan, noong unang sabak ko pa lamang sa misyon.
Nakaupo ako rito habang hinihintay ang pagtila ng ulan. Napaangat ako ng tingin ng may isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko habang nakasukob sa kanyang itim na payong. Tahimik itong umupo sa tabi ko.
Wala kang ibang maririnig kundi ang sigaw ng mga ulan sa tuwing bumabagsak na sila at ang pagdadalamhati ng kalangitan dala ang nakakatakot na liwanag na siya ring nagsisilbing ilaw sa madilim na paligid.
Napasulyap ako sa lalaki ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil sa suot na malaking sumbrero katulad ng sinusuot ni Grim. Matangkad ito at nakasuot ng makapal na coat at mamahaling sapatos na ngayon ay nadungisan na ng putik.
"Hindi ka ba giniginaw bata?" tanong nito sa malamig na boses.
Hindi ako nabigla ng kausapin ako nito. Sa murang edad ko pa lang ay alam ko na ang nakakatakot na realidad na pwedeng sapitin ng isang musmos na bata. Huwag mong kausapin ang isang taong hindi mo kilala kung ayaw mong mapahamak.
Ngunit iba ako.
Kahit na limang taong gulang pa man ay tila ba tinakasan ako ng takot na pakiramdam. Hindi pa ako nakaramdam nito.
"Hindi." sagot ko rin sa malamig na boses.
Nagtaka ako ng bigla itong tumawa. Tawang hindi nakakatakot o ano pa man. Isa itong tawa ng taong namangha sa isang bagay.
"Bawal magsinungaling. Hindi ka ba tinuruan ng mama mo niyan?"
Nakaramdam ako ng galit ng marinig ko ang babaeng basta na lang akong inabanduna matapos akong ma-ere nito. Napakuyom ako at napatingin sa malayo.
"Huwag mong babanggitin ang babaeng yun."
Isang katahimikan ang muling namutawi sa amin hanggang sa huminto na ang ulan. Naramdaman kong tumayo ang malaking lalaki. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang maliit kong mga paa.
Nabigla ako ng inilagay nito ang sumbrero sa ulo ko. Napaangat ako ng tingin pero hindi ko parin kita ang mukha niya dahil sa laki ng sumbrero.
"Tandaan mo ito bata. Magkikita pa ulit tayo. Huwag kang mag-alala mahal ka ng mga magulang mo. Kaya ingatan mo sana ang sarili mo." pahayag nito at malakas ang pakiramdam ko na ang sinasabihan niya ng mga katagang yun ay isang myembro ng pamilya.
Napaangat ako ng tingin ng biglang may pares ng paa ang nakatayo sa harapan ko. Hinarang ko ang kamay ko dahil sa sinag ng araw na nakalusot sa naglalakihang puno.
"Piper? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.
Anong ginagawa ng lalaking to dito? At bakit siya pawisan?
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...