Vol. 3 Chap. 47: Death

163 22 0
                                    

Morgan's Pov

I don't know what happen since I withdraw my application here in Primus. Wala akong balita sa mga pangyayaring wala rin naman akong pakialam. Kaya lang, parang ang laki ng pinagbago simula nang umalis ako. I mean, look at this? Anong nangyayari sa tatlo-- nah, apat pala sila. They've also changed in some way. And I don't know the reason why.

All of them are staring at me. Ang mga tingin na ipinupukol nila sa akin ay magkakaiba.

"What do you guys think you're fucking doing?" I asked and gave them a bored stare.

And with that saying. Lahat sa kanila ay napatingin sa ibang bagay. Maliban na lamang kay pink haired guy. I remembered him so well. Siya 'yung heroine kuno ko noong unang araw ko dito sa Primus. I can feel something about him the way I felt about Luka's strange strength. Parang same wavelength lang sila kumbaga. At hindi iyon maganda, ibig sabihin lang nun, delikado din ang isang 'to.

Pero sa kabilang banda, he's too good to be kind. Pinayuhan niya ako noon-- dito rin mismo sa lugar na ito, he even gave me his handkerchief na may burdang 'Wild'. Tss. He's also weird. Siya lamang ang unang lalaki na nakilala kong nagdadala ng panyo na may nakaburdang pangalan niya. Weird, right?

"How are you?" he suddenly asked.

Uminom muna ako ng Poca S bago ito sagutin.

"Fine."

He smirked. "Really? Wala na akong balita sa'yo simula nang umalis ka ng walang paalam. Ganun ka ba magbayad ng utang na loob sa taong tumulong sa'yo?"

Napasimangot ako. Napatingin ako sa tatlo na walang kaide-ideya sa kung ano ang pinag-uusapan namin. They were just staring blankly at us.

"No," I dragged. "Of course not. May nangyari lang emergency noong araw na 'yun. I'm sorry if I offended you that time without saying anything. And thank you for helping me. That much I'm very thankful of. Kahit na kaya ko naman talaga ang sarili ko."

"Hahaha. Okay. Okay. Sabi mo eh. But you were such a daredevil that night." he stated amuse.

"Whatever." walang emosyon kong litanya.

"Wait, ito ba 'yung oras na marami kang sugat na natamo sa mukha at katawan mo, prinsesa?" singit ni Piper.

"Oh? So, alam mo pala?" aniya Wild habang nakangisi.

Inirapan lamang siya ni Piper. And I found it.. cute? Malaki narin ang nagbago sa ugali ni Piper. Parang nagiging daring na ito at hindi na ito nagdadalawang-isip na tawagin akong prinsesa. Kaming dalawa lang o sa harap ng maraming tao. Mas nagiging malandi na siya at iba ang tingin niya kay Wild kanina pa habang nag-uusap kami.

"Hindi ikaw ang kausap ko." aniya.

Nagkibit-balikat lamang si Wild at kinain ang Takoyaki niya.

"That's none of your business, Pipe." malamig kong tugon at kinain ang natitirang siomai sa papel na lalagyan. Habang ngumunguya ay napatitig ako sa presidente ng council. Nandito rin siya at kanina pa siya tahimik at nakamasid lang. Katabi niya ang malaking tao na si Goryo na pinroklemang magkaibigan na kami.

"By the way, ano rin ang ginagawa mo rito, Mr. President?" tanong ko.

Nagulat naman ito at inayos ang isang handbook at silver bracelet. Teka, pamilyar ang dalawang 'yan ah?

"Ah yeah, I'm here to give you this." bulong nito habang namumula ang kanyang pisngi.

Okay?

"Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi, Charlie?" tanong ni Goryo.

Napatingin naman si Charlie sa kanya.

"Well, thank you." aniya ko.

Namumula parin ang tenga nito. "No problem. I n-need to go. Malapit na matapos ang break. S-see you." sabi nito saka tumayo at umalis.

Hinatid ko lang ito ng tingin. Charlie, huh? Napatingin ako sa handbook at silver bracelet. Kinuha ko ito at naramdaman ang lamig na hatid ng maliit na bagay.

If I remember correctly, this thing gave me a little voltage of electricity nang suutin ko ito. I unlocked it at sinuot sa left wrist ko. Hindi ako nagkamali. The moment I wore it, may kuryenteng dumaloy sa kamay pataas sa katawan ko.

"What's with this thing?" I asked Wild.

He just smirked eerily.

"It means death."

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon