Vol. 1 Chap. 26: Count on Me

277 26 0
                                    

Chapter 26

Piper's Pov

Sabado.

Maaga akong nagising at sinimulan ang araw. Matapos kong maisuot ang grey tee na may nakaburdang malaking 'chill' sa harap at ang maong kong pantalon na punit-punit ay saka ako lumabas ng silid.

Napatingin ako sa baba ng hagdanan. Narinig ko ang ingay ng kutsara't tinidor at boses ng mga taong ayaw kong makasalamuha sa tanang buhay ko.

Don't get me wrong. I love my family, I do.

Pero biglang nagbago ang lahat nang matuklasan ko ang maitim na sekreto ng aming pamilya. At simula ng araw na yun hindi ko na gustong maging parte pa ng pamilyang to.

"Oh? Young master. Gising ka na po? Nakahanda na po ang agahan." bati ng bagong katulong sa bahay na to, si Cynthia.

"Mamaya na lang ako kakain. Huwag mong ipapaalam na gising na ako. Naiintindihan mo?" matigas kong habilin rito.

Nagulat man ito ay tumango narin siya. Wala siyang magagawa. Isa lamang siyang katulong. At malas niya lang dahil dito pa siya napadpad.

"Good. Mabuti at naiintindihan mo. Umalis ka na."
"A-ah. Y-yes, young master." sabi nito at nagmamadaling bumaba ng hagdanan.

Napabuntong-hininga ako. Good. Ngayon kailangan ko ng makaalis sa lugar na to.

Pumasok ulit ako sa kwarto ko at inilock ang pinto. Lumabas ako patungo sa malaking veranda ng kwarto ko at sinilip ang baba. Na sa may ikalawang palapag ako ngayon at sa nakikita ko marami ang ipinakalat na men in black ang matandang hukluban na yun.

Ano bang akala niya sa akin? Malilimitahan niya ang mga bagay na enteresado ako?

At ano?

Ipipilit niyang ipamana sa akin ang negosyo ng pamilya?
No way.

No freaking way.

Over my dead body.

Bumalik ako sa loob at kinuha ang cellphone ko saka sinimulang tawagan ang- masakit mang aminin, tanging taong makakatulong sa akin.

Isang tunog pa ng dial tone at sa wakas ay sinagot na rin ng kupal. Kapag hindi pa nito sinagot, ipapatapon ko talaga ito sa bermuda triangle.

"About time you answer me!"

["H-hello? Sino ba to? Istorbo naman. Nandun na eh! Malapit na kaming magha-

Biglang uminit ang ulo ko at sinigawan ito.

"Wake the hell up, Jay! Kung ayaw mo pang humiga sa coffin."

Nakarinig ako ng malakas na pagkahulog sa kabiglang linya. Inilayo ko muna saglit ang cellphone sa tenga ko at hindi makapaniwalang tinitigan ang bagay.

["Whoaah! Pipe? Ikaw ba to? Himala at tumawag ka ng ganito kaaga? Hahaha. Huwag mong sabihing namimiss mo na ako? Kahapon pa nga lang tayo nagsama. Miss mo na ako agad?"]

I scratched the back of my neck. I'm getting angry now.
The hell with this idiot!

"Will you just shut your mouth for a minute, Jay? Pwede?" Iritado kong sambit.

["Grabe to naman. Don't english spokening me so earlier this morning. You know naman, my nose is sensitive."] sabi nito sa nakakairitang tinig habang natatawa.

Ang lakas talaga ng loob na biruin ako ng kupal na to. Sige lang, humanda siya sa akin mamaya. Makikita niyang hinahanap niya.

Minasahe ko ang sintido ko saka huminga ng malalim. Nang wala itong marinig sa akin ay muli itong nagsalita.

["Bro? Still there? Nagbibiro lang ako. Pero, bakit ka napatawag? Oh? Let me guess, may problema ka na naman dyan sa inyo ano? Nandyan ngayon si tito, tama ba ako?"]

Well, I must admit na alam ng kupal na to ang buhay ko. Well, what are childhood friends are for.

"Yeah, for once in your useless life. You're right. I need your help, Jay." seryoso kong pahayag.

Ilang segundong katahimikan ay sumagot rin ito.

["You can always count one me, Pipe."]

Napangisi ako. It's about time, bilisan mong pumunta dito Jacob bago pa man ako maisipang tignan ng matandang hukluban dito at kaladkarin pababa para lang sabayan siya at ang kirida niyang mag-almusal.

I think I'm going to vomit just by thinking about it.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon