Grim's Pov
Kumuha ako ng isang baso ng wine sa dumadaan na server at kaagad itong ininom. Nakamasid lang ako sa paligid. Marami na ang leaders dito sa House of Cards. Nakangiti ang lahat na animo'y nasa party lang ang mga 'to at mga kaibigan ang kanilang kausap.
Tsk. If I knew, kating-kating na ang ibang 'to na patayin ang bawat isa. Napadako ang tingin ko kay mama. Kasalukuyan itong nakangiti sa kanyang kausap. Si Mr. Rasmussen, isa sa sampung leaders ng Night.
Napatingin ito sa gawi ko at nakangiting itinaas ang kanyang hawak na wine. Ginaya ko narin ang ginawa nito at nagpatuloy naman ang kanilang usapan.
Sa pagkakaalam ko, ito ay kababata ni mama. Simula bata ay magkasama na sila. Mula elementarya hanggang nag-kolehiyo sila sa bansang Japan. They're been together since birth at hanggang ngayon kasama parin sila sa Night Organization.
Nakakatawang isipin, pareho rin silang single. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na ang pagkakaroon ng partner sa ganitong uri ng pamumuhay ay talagang may cons at pros. Pwedeng gamitin ng mga kalaban mo ito laban sa'yo kaya hindi ka talaga magiging kampante sa kaligtasan ng mahal mo.
-
Morgan's Pov
Hinarang agad ako ng mga security pagpasok ko sa loob ng House of Cards grounds. Kaagad kong inabot ang blue note na nagsisilbing imbitasyon sa nasabing pulong.
"Magandang gabi ma'am." magalang na sabi nito at pinapasok na ako sa loob.
Marami na ang nakapark na mamahaling kotse kaya medyo natagalan ako sa pahahanap ng pwesto. Malapit narin mag-8 kaya marami na talaga ang nandiritong leaders. Pinatay ko na ang makina ng kotse at bumaba.
Nakasuot ako ng itim na fitted dress na may slit sa gilid ng hita with matching high stilleto. Bigla akong pinamulahan. Cy made me wear this. Para na tuloy akong matanda na ewan sa suot ko. Nagpapasalamat na lang ako sa height ko. I can deceive people by this."Wala ka bang kasama ngayon," sabi ng matipunong lalaki sa tabi ko.
"Lara." pagpapakilala ko rito at matamis na ngumiti.
Ngayong gabi ako ay si Lara White na binuo sa tulong ni Cyan. Maliit ang itim na buhok at isang notorious leader na walang organisasyon na inaasahan. I was a stand-alone crime syndicate boss.
**
Nang makapasok sa loob ng venue ay kaagad hinanap ng tingin ko si mama at Grim. Ang daming leaders kaya nahihirapan akong hanapin sila. Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang pulong. Kailangan ko ng mahanap kung asan sila.
"Are you okay ms. Lara?" tanong ni Kian.
Napatingin ako rito at ngumiti. "I need to go to the comfort room first. If you may excuse me."
Tumango naman ito. "Sure. Take your time ms. Lara." sabay kindat nito sa akin.
Tsk. Is he flirting with me? Napailing na lamang ako.
Naglalakad ako habang panay tingin sa paligid nang biglang namatay ang ilaw sa paligid kaya hindi ko nakita ang taong nasa harapan ko.
Thud!
Napahawak ako sa suit na suot nito. Ang dilim. Wala akong makita.
"Okay ka lang ba? Nasaktan ba kita?" bulong nito habang inalalayan ako.
Buti madilim ang paligid kundi nakakahiya na ngayon ang mukha ko sa sobrang pula. Nabangga ko lang naman si Grim.
Tsk.
"Oo. Ayos lang ako. Pasensya ka na. Bigla kasing namatay ang ilaw kaya hindi kita napansin."
Sana hindi niya matunugan kung sino ako. Napaka-keen observant pa naman ng isang 'to.
"Mabuti naman kung ganun."
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...