Vol. 2 Chap. 32: Piper The Intruder

238 24 7
                                    

Piper's Pov

Napatingin ako sa papalayong bus. I was really doing it this time. Hindi na ako mag-aantay pa ng ilang araw. Kung gusto kong makausap si Mor, ako na mismo ang pupunta sa kanya.

Napahawak ako ng mahigpit sa sling bag ko, na may lamang pagkain at isang tee. Just in case matatagalan bago ako makarating sa tuktok ng bundok.

"Okay. Papunta na ako prinsesa. Hintayin mo ako."

Thud!

Napaigtad ako dahil sa sakit ng pagkakatapon sa akin sa malamig na sahig. Napatingin agad ako sa direksyon ng lalaki at tumakbo bago pa man nito maisara ang bakal na pintuan. Mukhang nasa basement ako ngayon.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko rito habang nakahawak ng mahigpit sa braso nito.

Kailangan ko pang tumingala dahil sa tangkad nito. Hindi ko masyadong maaninag ang buong mukha nito pero ang kanyang mga mata ay nakatingin sa akin na para akong isang piste kaya napabitaw at napaatras ako. Bigla akong nangamba sa kaligtasan ko.

Isang tingin lang ng lalaking ito ay nanginginig na ang buong kalamnan ko.

"Wala ka sa posisyon para tanungin ako ng ganyan, intruder." malamig na sabi nito at tuluyan ng lumabas sa madilim na kulungang ito.

Napaupo ako sa malamig na sahig. Napatingin ako sa nanginginig kong mga kamay.

"Hahaha. No. Hindi ito nangyayari sa akin," napakuyom ako at niyakap ang sarili. "Morgan. Gusto ko lang naman makausap si prinsesa ko."

Napagpasyahan ko na pupuntahan ko si Morgan sa kanila para kausapin ito. Pero hindi naglalabas ng personal na impormasyon ang eskwelahan. Kaya ginawa ko ang lahat para makuha lang ang adress ni prinsesa. Gagawin ko ang lahat. Miski humingi ng tulong sa matandang hukluban na yun. At sa huli, nakuha ko narin ito.

Matapos kong lakarin ang napakahabang hagdanan ay sa wakas narating ko na ang malaking silver gate.

"Wow. Sobrang laki," komento ko at tumingin sa loob. "Mas mayaman pa pala sila prinsesa. Kahit na narating ko na ang silver gate nila ay wala akong makita bahay. Puro kakahuyan lang."

Napabuntong-hininga ako.

Akala ko kapag narating ko na ang tuktok ng bundok ay madali na ang lahat. Akala ko lang pala yun. Napaupo ako at napasandal sa gate. Binuksan ko ang sling bag ko at dinukot ang mineral water.

Inubos ko ang lahat hanggang sa isang huling patak nito. Bigla akong nabuhayan muli pero hindi nagtagal yun dahil may humintong kotse sa harapan ko.

Lumabas ang isang magandang ginang. Bigla akong namula. Kamukha niya si prinsesa. Napayuko ako agad.

"Who are you, boy?" malamig na tanong nito.

"I. I'm Morgan's friend. I'm Piper." garalgal kong sagot.

Mukhang alam ko na kung saan nagmana si prinsesa. Her mother is scarier than her.

Naglakad pa ito papalapit sa akin.

"I see. At bakit mo naisipang pumunta rito?"

"Gusto kong makausap si Morgan."

Slap!

Napahawak ako sa kanang pisngi ko. Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa ginang. Walang emosyon ang mga mata nito.

"I..

Slap!

Ngayon napahawak na ako sa dalawang pisngi ko.

"You are not allowed to meet Morgan. Go home, boy." malamig na pakli nito at tinalikuran ako.

"No ma'am. Please let me see Morgan. Kailangan ko po siyang makausap."

"I said go home."

Naiwan akong nakatulala sa hangin at napalingon ng makapasok na ang sinasakyang kotse nito. Hindi ito maaari. Mababaliwala ang lahat ng ginawa ko kapag uuwi ako ngayon.

No.

Kailangan kong makita si prinsesa.

"Who are you, intruder?"

Napatingala ako ng may isang boses ang nagsalita. Nakapatong ito sa may silver gate habang nakatingin sa akin ng malamig. Tapos ang sunod na nangyari ay kinaladkad ako nito patungo sa malamig at walang buhay na basement na 'to.

Napatayo ako ng may mga tunog ng mga paa at dalawang taong nag-uusap. Papalapit ng papalapit ang kanilang mga yabag.

"Bakit mo dinala ang batang yan dito, Grim."

"He might be some spy mama na gusto kang patayin."

Ako? Espiya? Hindi. Bakit ko naman gagawin yun? Napahawak ako sa malamig na rehas at napatingin sa dalawang magandang nilalang.

"I said to go home, right? Pero anong ginawa mo?" malamig na turan ng ginang.

Nakatingin lamang sa akin ng masama si Grim.

"Gusto ko pong makita si Morgan."

Agad namang napatingin sa akin si Grim ng sabihin ko yun. Mas lalong lumukot ang mukha nito.

Ano ba itong pinasok ko?

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon