Vol. 1 Chap. 15: Misyon

411 33 7
                                    

Wild's Pov

"May misyon ka bukas Wild."

Napatingala ako ng tingin sa kapatid ko. Tuwing gabi, isa akong hired assassin na nagtatatrabaho sa isa sa mga kilalang leaders ng Night Organization. Ang pamilya Rasmussen, ang nangunguna ng isang illegal na pag-angkat ng mga baril dito sa syudad ng Lyric.

"Ano 'yun kuya?" tanong ko at sinuot ang damit kong nakasampay sa sofang hinihigaan ko.

"Kailangan mong protektahan ang head ng pamilya Montgomery, si Elizabeth. May gagawing pulong bukas ng gabi sa House of Cards at dadalo roon ang leaders ng Night." sabay tapon nito ng larawang nakalagay sa brown envelope.

Napatingin ako sa larawan nito. Elizabeth Montgomery. 33 years old. Kaisa-isahang tagapagmana ng pamilya Montgomery. Walang asawa pero merong limang mga anak. Si Grim, ang kanang kamay nito. Si Cyan, ang tinaguriang magaling na hacker sa underground society at si Blood na kilalang notorious hitman.

"Matanong ko lang kuya? Bakit walang mga impormasyon tungkol sa pang-apat at limang anak?"

"Sa pagkakaalam ko, ang pang-apat ay kasali noon sa proyektong isinagawa ng Night Organization. Ang Project Silver." sabi nito at humithit sa kanyang sigarilyo. "Mor yata ang pangalan, hindi ko na matandaan. Matagal naring natigil ang operasyon ng proyekto. Ang panglimang anak-anakan naman nito ay wala na akong ideya."

Napatango ako. Sa pagkakaalala ko, kasali si kuya sa proyektong 'yun. Isa siya sa mga doktor na nagsagawa ng inspeksyon sa katawan ng mga bata. Noon ko lang din napagtanto na kasali siya sa proyekto dahil palagi itong wala sa bahay. At kapag uuwi naman siya ay tulog na ako. Minsan isang gabi nakita kong pumasok ito sa kwarto ko suot parin ang lab gown nito pero dahil sa sobrang pagod ko galing sa pag-eensayo ay nakatulugan ko ito.

Hanggang ngayon ay wala parin akong ideya kong anong ginagawa ni kuya sa kwarto ko 'nung gabing 'yun.

Napatingin ito sa akin. "Anong tinitingin-tingin mo?"

Napasimangot ako at iritang tinignan ko ito saka tumayo.

"Aalis ako." pagpapaalam ko rito ng hindi lumilingon at kinuha ang itim na jacket na nakapatong malapit sa shoe rack.

-

Morgan's Pov

Isinarado ko ang cabinet ng makuha ko ang panghuling jacket sa loob nito. Inilagay ko ito sa aking kama kasama ng mga iba ko pang mga damit. Napabuntong-hininga ulit ako at sinimulang tupiin ang mga damit ko at isinilid sa naghihintay na maleta.

"Mama. Pigilan mo po si ate Morgan." umiiyak na sabi ni Luka.

Oo, tinupad rin ni mama ang hiling kong alisin na si Luka sa basement at patawarin na ito sa kanyang ginawa.

"Tumigil ka na Luka. Kailangang mag-aral ng kapatid mo. At makakasagabal sa kanya ang paroon at parito." walang emosyong sabi ni mama habang nakatingin sa akin.

Napangiti ako ng mapakla. Ganito pala ang pakiramdam ng taong itatakwil at hindi man lang alam ng iba mo pang pamilya ang totoong dahilan ng pag-alis mo. Napadako ang tingin ko kay Grim na ngayo'y nakakuyom at hindi makatingin sa akin ng diritso.

"Huwag ka ng umiyak Luka. Magiging okay lang ako doon. Mag-aaral ako ng mabuti. Magkikita pa naman ulit tayo." sabi ko rito.

Lumapit ito sa akin at yumakap ng mahigpit. Ngayong nayakap ko ulit si Luka ay napansin kong may nagbago sa katawan niya. Mas lalo siyang naging mapayat. Bumalik ulit ang pag-aalala ko noong sanggol pa lamang siya. Ayokong yakapin siya ng higit pa sa ganito baka kasi kapag ginawa ko 'yun masaktan ko lamang siya.

"Pero ate. Bakit kailangan mo pang doon tumira? Dito ka na lang, please."

"Luka." pagtawag ni mama.

"Pero mama.."

"Luka. Bitawan mo na siya. Huwag mong suwayin ang utos ko." matigas na pakli nito.

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Luka. Hindi nagtagal ay bumitaw narin ito pero hindi ko inaasahan ang sunod na sasabibin nito.

"I hate you mama. Hinahayaan mo lang na umalis si ate Morgan. I hate you!" at sabay takbo nito sa hagdanan.

Luka.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon