Vol. 4 Chap. 63: Date

77 5 0
                                    

Morgan's Pov

"No!"

Nakanganga ang bibig ni Pipe nang marinig niya ang sagot ko sa tanong nito. Wala akong oras sa mga ganitong bagay. Hindi ko priority ang gumala at mag-enjoy samantalang may nangyayari sa household na hindi ko alam.

Ano bang pumasok sa kukuti ng isang 'to at nagyayang lumabas?

"Tigilan mo ko sa kalukuhan mo, Pipe. Wala akong oras makipaglaro." matigas kong sabi at inayos ang mga libro na nakabuklat.

Kakalabas lang ng panghuling guro ngayong araw at kanina pa ako nangangating lumabas ng silid at umuwi kaso nga lang nakaharang ang weirdong 'to.

"Ang harsh mo namang magsalita, Mor. Tao lang din naman ako nasasaktan." mahinang sambit nito.

Napatigil ako at napatingin sa kanya. Lugmok ang itsura nito na para bang namatayan ng aso. Napabuntong-hininga ako.

"Okay," kalma kong sabi at umupo. "Alam kong nag-aalala ka lang sa akin Pipe at gusto mo akong mapasaya pero ito sinasabi ko sa'yo. Hindi mo ito kailangang gawin. Wala ka namang kinalaman sa mga iniisip ko kaya huwag mong gawin ang isang bagay na hindi mo naman kalimitang ginagawa. Pipe, to be frank, nag-aaksaya ka lang ng oras. Kaya please? Sana naman naiintindihan mo ako."

Tahimik lamang siya habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko siya mabasa ngayon, nakakapagtaka. Mukhang may ganitong ugali rin pala ang isang 'to. Akala ko puro ka-weirduhan lang ang tumatakbo sa isip nito.

"Sige na Pipe. Let's end this conversation. Kailangan ko na talagang umalis."

Naglalakad na ako pababa nang bigla itong magsalita. Seryoso ang kanyang tinig at malamig rin ang boses nito.

"Mali bang gawin ang mga bagay na gusto ko para sa taong mahal ko?"

Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Did I just hear him right?

"Pardon me?" tanong ko at humarap sa kanya ng tuluyan. Seryoso parin ang mukha nito at hindi mo makikitaan ng pagbibiro ang aura niya.

"Mahal kita, Morgan."

My world suddenly stops. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga binitawang salita ni Piper. Tila ba nasa kabundukan kami at nag-eecho ito sa utak ko.

"Mahal kita, Morgan."

Muli niyang sambit. Nababasa ko na ngayon ang mukha nito. May takot na namumuo sa mga mata nito. Tila ba maiiyak narin siya. Nakikita ko ring nanginginig ang mga kamay nito. Pero sinusubukan niyang huwag ipahalata sa akin.

"Magsalita ka naman, Mor. Okay lang sa akin kung i-reject mo ako. Basta magsalita ka lang, kahit ano." aniya habang namumula ang pisngi nito. Napaiwas siya ng tingin. May namumuo naring pawis sa kanyang noo.

"Ah. Are you sure?" maang kong tanong.

Napatingin ito sa akin at nagulat nang bigla na lang itong sumigaw.

"Tangna naman, prinsesa." aniya.

Napasimangot ako. "Minumura mo ba ako?" matigas kong tanong.

"Hindi. Bakit ko naman gagawin 'yun eh, minamahal nga kita." depensa nito na may kasamang punchline.

"Okay, Pipe. You got me." sambit ko sabay iling. "Ano bang gusto mo? Date? Okay, let's date."

Biglang lumiwanag ang mukha at aura nito. Gumuhit rin sa kanyang labi ang ngiting tagumpay.

"Totoo ba 'to? Lalabas ka na kasama ako? Tayong dalawa lang?" parang batang sunod-sunod na tanong nito.

"Yes and yes and yes." sabay irap ko rito ng pabiro.

"Yes!" sigaw nito at tinaas ang dalawang kamay sa ere.

"Pero hindi ngayon, Pipe. Mag-set na lang tayo ng date sa future, okay?"

Tumango-tango ito.

"Sure. Ikaw ang bahala, prinsesa. Sapat na sa akin ang pagsang-ayon mo." aniya sabay ngiti.

"Now, I need to go. See you, Pipe."

"Okay. Ingat, prinsesa."

Tuluyan na akong lumabas ng silid at hindi na lumingon pa kahit na ramdam ko ang init ng titig ni Pipe sa likuran ko. Nang makaliko na ako sa pasilyo ay agad akong napasandal.

This is not happening.

Napahawak ako sa dibdib ko. Mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.

Shit. Magkakasakit ako nito sa puso.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon