Morgan's Pov
Napatingala ako ng tingin sa malaking building na nasa harapan ko ngayon. Dito ako ibinaba ni Blood matapos kung magpahatid sa kanya, sa Sangreal Hotel, gamit ang sasakyan ni Grim. Hindi ko na siya inabala pa at pinaalis na para mabantayan niya si Luka. Ayokong may magawa si Luka na pagsisihihan niya sa huli. Alam kong hindi niya ginusto ang kanyang nasabi kanina. Nadala lamang ito ng kanyang emosyon. Ganun naman talaga ang tao, minsan.
May kaagad namang umalalay sa mga gamit ko. Kaya pinaubaya ko narin sa kanila ang mga 'to. Nakapunta narin ako sa lugar na 'to minsan para gawin ang isang misyon pero hindi ko aakalaing dito pa ako magsisimula sa bagong buhay ko. Matapos ang lahat-lahat ay humiga na ako sa nag-aabang na malambot na kama sa kwartong inokupa ko.
"Simula bukas mag-iiba na ang direksyon ng buhay ko."
'Yun ang inaakala ko.
*
Kinabukasan, nagising ako ng vibrato galing sa smart phone ko. Kaagad ko itong kinapa at sinagot ng hindi tinitignan ang caller number.
["Kamusta ka diyan Morgan?"]
Napaupo ako sa kama at tinignan saglit ang caller number baka kasi mali lang ang pagkakilala ko sa boses nito. Pero tama nga ako. Siya nga ang tumatawag sa akin ngayon.
Pero bakit?
["Morgan?"]
Hindi ko alam pero bigla akong nagpanic sa utak ko. Anong gagawin ko?
Narinig kong bumuntong-hininga ito sa kabilang linya.
["Morgan baby? Galit ka ba sa akin dahil sa ginawa ko sa'yo?"]
Anong nangyayari?
Bakit niya pa kakamustahin ang taong kanyang itinakwil? Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa utak ni mama. Masyado na siyang kumplikado. Nang una, hindi niya pinagamit sa akin ang apelyidong Montgomery noong pinag-enroll niya ako sa Primus. At ngayong itinakwil niya ako sa pamilya, kakamustahin niya ako bigla?
["Hindi mo ako kailangang sagutin Morgan kung ayaw mo. Pero makinig ka lamang sa sasabihin ko. Pinagkakatiwalaan mo naman si mama, hindi ba?"]
**
Gusto kong masuka sa mga oras na 'to pero hindi ko magawa. Napasandal pa ako sa bintana nitong train na sinakyan ko dahil sa sobrang sikip. Wala akong ibang choice kundi ang magcommute gamit 'to. Ito ang mas mabilis na transportasyon papuntang Primus.
Napasinghap ako ng may biglang dumapong kamay sa hita ko. Huwag mong sabihing, may manyak ngayon sa likod ko? The heck! Bago pa man ako makalingon ay may pumagitna na sa amin kaya ang tanging likod na lamang ng lalaki ang nakita ko.
"You old fat! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kanina?" iritang litanya nito at pabalibag na binitawan ang kanang kamay ng matanda.
Naiirita man sa nangyayari ay hinayaan ko na lang 'tong magpaka-hero. Tsk. Hindi ko kailangan ng tulong. Kaya ko ang sarili ko.
"W-wala naman akong ginagawa ah?" palusot nung matandang manyakis.
"Nagsisinungaling ka pang manyak na matanda ka." sigaw ng lalaki.
Dahil sa nangyayari ay marami ng mga tao ang nagbubulungan at panay tingin sa direksyon namin. Tumalikod ako at sumandal sa pintuan. Ba't ba ang tagal ng byaheng 'to? Napabuntong-hininga ako. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Parang masusuka na nga ako ng tuluyan.
Tsk
BINABASA MO ANG
Project Silver
Action[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...