Morgan's Pov
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko kay Luka at Grim. Hinintay ko silang bumalik pero inumaga na lamang ako at natulugan sa veranda. May kumot na nakabalot sa akin pagkagising ko at isa lang ang alam kong gagawa nito.
"Morgan, you awake? Come down now, breakfast is ready." Blood shouted from the other side.
I stretched myself and replied.
"I'm coming."
It was Blood. He's the most caring one in the family. Naririnig ko ang mga hakbang nito palayo. Tinignan ko sa huling pagkakataon ang fountain at pumasok sa loob ng kwarto.
Hindi ko man alam sa ngayon ang nangyayari pero malalaman ko rin ito. Hindi ko hahayaang mapahamak si Luka at Grim.
"Good morning, Morgan," Cyan called out from behind me. Lumingon ako sa kanya. "Gosh, anong nangyari sa mukha mo? Ang laki ng eyebags mo. Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi dahil sa ginawa ni Grim?" Sunod-sunod na tanong nito.
Napakamot ako ng batok.
"Stop it, Cy," Sagot ko sa blankong boses. "Hindi ito tungkol dun." Dagdag kong sambit sabay buntong-hininga.
I feel tired all of a sudden. Mas mabuti siguro kung sinundan ko na lamang sila Grim. Bakit hindi ko 'yun ginawa? Aish.
"Then, what is it? What keeps you all night?"
Napatitig ako sa mukha nito.
"Well, it was--
"Good morning, Cyan, Morgan."
Pareho kaming napatingin ni Cy sa baba ng hagdanan. Grim was looking at us at nakasuot ito ng formal suit.
He's here? So that means, nakauwi sila kahapon?
"Good morning." Bati ni Cyan rito at bumaba na ito ng hagdanan. Nakatingin lamang ako sa kanila. Tumango si Grim ngunit hindi nito inaalis ang pagkatitig sa akin.
Bumaba ako ng dahan-dahan.
"Good morning." Mahina kong sambit.
Tinitigan niya pa ako ng matiim saka ito ngumiti. Nagpatiuna na itong maglakad patungong dining hall at sumunod rin naman kami ni Cy sa kanya.
There's really something odd that's happening and I need to find out what it is. Malakas ang kutob ko na tungkol ito sa sitwasyon na mayroon kami ni Luka. Pero bakit palihim silang umaalis tuwing hatinggabi?
"Okay ka lang ba, prinsesa?"
Napatingin ako kay Piper at nabasag ang kanina pang bumabagabag sa akin. Napasimangot ako nang mapansing wala ng tao sa loob ng klasrum.
Inilibot rin ni Piper ang kanyang paningin at nagkamot ng batok sabay sabing, "P.E. class na natin ngayon at lahat sila nasa field na."
"What? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" Sigaw ko.
"Huh? Ang lalim kasi ng iniisip mo," Aniya. "At isa pa, kanina pa kita kinakausap pero puro ka na lang Grim at Luka."
Napaangat ako ng kilay.
"Hindi naman sa nakikialam ako pero may problema ba?" Seryosong tanong nito.
Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha nang may biglang pumasok. Ang class president namin.
"Ano pang ginagawa niyo rito? Sumunod na kayo sa field. Kayo na lamang ang hinihintay ni coach." Matigas na aniya at pabagsak na sinarado ang malaking pintuan.
Napabuntong-hininga ako saka tumayo.
"Morgan, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
"Drop it, Pipe. Let's go."
Shit!
Kailan pa ako naging ganito ka-distracted?
BINABASA MO ANG
Project Silver
Aksiyon[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...