Morgan's Pov
Hindi ko alam kung anong problema nitong si Piper.
Kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin ito sa akin. Kulang na lang dumikit ang mukha niya sa pisngi ko. Kapag haharap naman ako sa kanya ay mabilis pa sa alas singko na nililipat ang tingin sa baba ng pisara. Tsk.Napapailing na lang ako. Hindi na ako mag-aaksaya ng enerhiya sa katulad niyang weirdo. Huling klase ko na 'to ngayong araw kaya nagpadala na ako ng mensahe kay Grim kani-kanina lang. Gusto ko naring umuwi dahil sa pinadalang mensahe ni Blood kaninang tanghali tungkol kay Luka.
"Oo nga pala. Bago ko makalimutan. Sa lahat ng hindi pa nakakapili ng club na sasalihan. Bukas na ang huling registration. And that goes also to the newbies. Maaari na kayong umuwi." pahayag ni ma'am Mabini at lumabas na ng silid.
Hinintay ko munang makaalis ang iba ko pang mga kaklase. Isa lang kasi ang nagsisilbing entrance at exit sa silid. Ayokong makigitgit sa kanila. Pinagmasdan ko lang na bumaba ang mga kaklase ko na nakaupo rin dito sa itaas. Ang disenyo ng silid ay parang hagdanan. Nahahati ito sa tatlong hanay na naglalaman ng apat na rows. At sa rows ay may tig-aapat na estudyante ang nakaupo.
"Anong club ang sasalihan mo Morgan?" tanong bigla ng katabi ko kaya napatingin ako rito.
Nakaupo parin ito at mukhang walang planong umalis. Inilipat ko ang tingin at sumagot rito.
"Wala."
"Wala? Bakit naman? Wala ka bang hilig?" tuloy-tuloy na tanong nito. "Siguro naman may hilig kang gawin bukod sa tumakbo sa isip ko." bulong na dagdag nito.
Naririnig kita weirdo. Hinayaan ko na lang ang kakornihang sinabi nito.
"Bakit ka ba tanong ng tanong?" seryosong sabi at hinarap ko ito.
Napakamot naman ito ng kanyang batok at tila dinalaw ng hiya. Namumula pa talaga ang tenga nito. Mukhang kinuha na ng pusa ang dila nito dahil hindi na ito nakapagsalita.
Tahimik akong tumayo at bumaba hanggang sa makalabas ng silid. Nilingon ko pa si Piper sa loob. Nakaupo parin ito ngunit nakadukdok na ang kanyang mukha sa wooden desk. Napailing ako. Ang weirdo niya talaga.
Nakatanggap ako ng mensahe kay Grim na naghihintay na siya sa parking lot kaya dinalian ko narin ang paglalakad.
"Hi. Pasensya at pinaghintay kita." sabi ko agad kay Grim nang makarating ako sa parking area.
Ngumiti naman ito sa akin at umiling. "Hindi naman ako naghintay ng matagal. Sakay ka na Morgan."
"O-okay." tumango ako at tahimik na sumakay sa nakabukas na pinto.
Sumakay narin si Grim at pinaandar ang sasakyan. Nakarating kami sa Mt. Gomery at kaagad namang pinindot ni Grim ang remote at bumukas ang silver gate. Pumasok na agad kami sa loob. Binagtas namin ang Black Forest. Ang tanging makikita mo lang rito ay mga mayayabong na puno at ang mga mababangis na hayop na alaga ni Cyan. Kaya nga delikado dito tuwing sasapit na ang kadiliman. Teritoryo nila ito at ang sinumang hindi nila kilala ang tumuntong rito ay kanilang lalapain ng buhay. Marami narin ang biktima ng mga "beast" kung tawagin noong nagdaang 12 taon.
Mga panaka-nakang puno pa at narating narin namin ang Montgomery manor. Kaagad namang pinark ni Grim ang sasakyan at bumaba. Gaya ng parati niyang ginagawa ay pinagbuksan na naman ako nito ng pinto. Tahimik akong bumaba at nagpasalamat rito.
"Salamat Grim at mag-iingat ka."
Tumango naman ito at tinapik ang braso ko. Muli itong pumasok sa kanyang kotse at pinaandar pabalik sa Black Forest. May misyon pala ito ngayon. Hinatid ko ito ng tingin hanggang sa lamunin na ito ng kadiliman ng gubat. Kinuha ko ang aparato sa bulsa ko at tinignan ang oras.
17:13.
"Welcome back Morgan." napalingon agad ako sa nagsalita.
Napangiti ako. "I'm home Cy."
"Kumustang school?" tanong nito ng makalapit sa akin. Halata sa kasuotang suot nito na galing siya sa pag-eensayo. Nakatali ang kanyang mataas na buhok at bitbit niya rin ang katana niya.
"Mabuti naman. Marami nga lang weirdos. At ayoko parin sa amoy ng normal na tao." pagkukwento ko rito.
Napangisi naman ito at napailing. "Ano pa bang bago?" pagbibiro nito.
Nag-uusap parin kami habang naglalakad papasok ng manor. Tahimik at tila walang ibang kaluluwa ang nabubuhay sa manor. Ngayon ko lang napansin ang sobrang katahimikan ng lugar dahil wala si Luka sa paligid. Kung nandito siya tatakbuhin niya itong silver grandstairs pababa at yayakapin ako ng sobrang higpit. Napabuntong hininga ako. Kahit naman ganun si Luka naiintindihan namin siya kaya tama ngang kausapin na namin si mama tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Project Silver
Acción[Published under B. S. P.] Language: Tag-Lish Project Started: October 11, 2017 Project Ended: -- --, ---- THIS IS A RAW STORY (UNEDITED) ---- Project Silver is a story about a girl who has an inner demon self that will surely, no matter what resur...