KABANATA 27
Katangahan
"Ano bang problema mo at kanina ka pa nagkakamali? Hindi ka naman ganyan ha." naiinis na tanong niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.
"E hindi ko kasi narinig yong tugtog kaya napapahinto ako." mahinang sabi ko at napakunot yong noo niya.
"Oh no. Nabibingi na naman si Lola." Narinig ko mula sa grupo nila Chantal.
"Mukhang kailangan ng palitan ng battery yang tenga mo ha. Pumapalya na Lola Ayessa." Natatawang sabi ni Chantal.
Tumawa sila ng malakas kaya naman napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Napakuyom yung kamay ko sa sinabi niya.
"Guys, stop it. Hindi kayo nakakatuwa!" Sita ni Clarence sa kanila kaya naman nagsitahimikan sila.
"Jared, I want you to look after the group." Bilin niya kay Jared bago niya ko hinawakan sa kamay at marahang hinila palabas ng studio.
Clarence is a good guy. Palagi niya kong pinagtatanggol kapag inaasar ako ng kapwa dancers namin. Alam kasi nila yong condition ko kaya minsan pinagkakatuwaan nila ako.
Pumunta kami sa locker room at nagulat nalang ako ng bigla niyang kinuha yong mga gamit ko sa locker.
"Oh bakit ginagalaw mo yang gamit ko? Pinagkakainterasan mo na ngayon yong mga damit ko? As far as I remember hindi ka naman gay di ba?" Pagbibiro ko sa kanya at tinapunan naman niya ko ng masamang tingin sabay pagpitik sa tenga ko.
"Magbihis ka na para makauwi ka na." Sabi niya habang tinutupi yong mga damit kong kalat kalat sa locker.
Sinunod ko naman siya at dali-dali akong nagbihis sa CR. Pagkalabas ko naabutan ko siyang nakaupo sa labas ng locker room kung saan may mga upuan. Tumabi ako sa kanya tapos sinandal naman niya yong ulo ko sa balikat niya kaya napapikit ako.
"Magpahinga ka na. Di ba nagpaalam ka kay Ms. Mandy na may outing ka ngayon? Bakit ba pumasok ka pa?" Tanong niya habang hinahaplos yong buhok ko.
"Sayang yong araw kung hindi ako magpapractice. Susunduin naman nila ko maya-maya." sabi ko sa kanya at napatingin ako sa relos ko.
Alas dyes kasi ako nagpasundo kay Thalia pero 9:30 palang. Panigurado namang malelate yong mga yon.
Umayos ako ng upo at tinignan naman niya ko ng seryoso kaya napanguso ako. It's my mannerism. Kapag pinagagallitan ako, ngu-nguso ako. Kapag naiinis ako, bigla-bigla akong magpapout.
Kapag galit ako, ngunguso ako. Minsan nga tinatawag na kong Anne Curtis, malaki kasi lips ko pero maganda naman. #Annekapal.
"Bumalik ka na sa studio. Pupunta na kong parking lot." Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya tapos hinawakan yong kamay ko at hinila din ako patayo.
"Samahan na kitang maghintay." Sabi niya habang naglalakad kami palabas ng building.
"Sus, tumatakas ka lang e. Bumalik ka na sa studio. Magturo ka na ulit doon." Pang-aalaska ko sa kanya at tinawanan naman niya ko.
"Di pwedeng magpahinga? Hayaan mo sila don. Masyado silang paimportante kaya pati tuloy yong iba nadadamay. Lalo na ikaw, bawal ka pa naman napapagod." Bigla niyang hinawakan yong ulo ko at ginulo yong buhok ko.
"Clarence naman!" saway ko sa kanya pero ang loko tawa lang ng tawa kaya naman napangiti ako bigla.
Nakaakbay siya sa akin hanggang sa makarating kami sa parking lot. Naupo lang kami sa may gutter habang hinihintay dumating sila Thalia.
BINABASA MO ANG
Somebody Out There
General FictionSEQUEL OF SUMMER OF LOVE - SOMEBODY OUT THERE Ayessa Lyka Marie Monasterio's story Hindi ako naniniwalang may pag-ibig. Isang malaking kalokohan yon. Kaso pinaniwala niya akong mayroon pag-ibig. Pinaramdam niya sa akin kung anong kahulugan nito. Tin...