KABANATA 48

1K 23 4
                                    

KABANATA 48

Plinano



I wish I could hurt him the way he hurts me. But I know that if I had the chance, I wouldn't do it. Alam ko kasi kung gaano kasakit masaktan at sana naisip man lang niya iyon.

Alas syete ng tawagan ko si Chantal. Tinanong ko kung nasaan na sila at sasama nalang ako sa kanila. Halatang nagulat siya ng sinabi kong pupunta ako ng bar pero mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa kung bakit nagbago ang isip ko.

Pinatay ko yong phone ko dahil ilang beses na akong nakatanggap ng tawag at text mula kay Enrique. Nasa bahay na siya at kanina pa ako hinahanap.

Mag-isa siyang magdinner kung gusto niya! Magaling siyang magpaikot at manloko ng tao! Bagay lang sa kanya yong posisyon niya ngayon bilang bise-presidente, masyadong mautak at mapanlinlang.

Dumiretso ako sa condo ko para magpalit ng damit. Hindi pa naman pinapakuha ni Enrique yong mga gamit ko dito. Mabuti na rin ito dahil ayoko pa siyang makaharap. Ayoko pang umuwi. Ayoko ng umuwi...

Pagkadating ko sa condo ay nilapag ko nalang yong gamit ko sa sofa. Naligo ako para maibsab kahit papaano yong mabigat kong nararamdaman. Kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking katawan ay ang walang kapagurang pagtulo ng mga luha ko.

How could he do that? How could he say that he loves you me kung may ganong plano pala siya? Bumalik na naman ba siya sa dati?

Yong lalaking hindi naniniwala sa pagmamahal? Yong lalaking nagsabi sa akin noon that not every "I love you" is real. Bullshit!

What happened between us is wrong! Purely about lust! I thought what we're doing is made through love. In our case, there's no love.

Technically, having sex is different from making love...

Ang sakit! Eto ba yong kabayarn ko dahil sa pag-iwan ko sa kanya noon? Pagkatapos kong maligo ay madali akong kumuha ng kahit anong damit sa karton.

Nakuha ko yong isang kulay itim na dress ko at kahit na sobrang hapit ito sa katawan ko at may kaiksian ay wala na akong pakialam. Kumuha nalang ako ng isang blazer kung sakaling mailang ako mamaya.

Naglagay na din ako ng make-up para lang matakpan yong namamaga kong mata. Kinapalan ko yong sa mata ko para kahit papaano ay magmukha akong masungit.

Iinom ako sa bar at hindi makikipaglandian kaya mas okay ng ganito ang make up ko. Madali kong kinuha yong purse ko at cellphone ko at nagtungo na sa sinasabing bar ni Chantal.

Isang high end bar malapit dito sa BGC ang sinasabi ni Chantal. Madali akong nagpatawag ng taxi sa guard ng condo at kaagad na sinabi ang lugar na pupuntahan ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa sinasabi nilang bar. Sa labas palang ay kitang-kita ko ng hindi basta basta ang lugar na ito. Madaming nakapark na mamahaling mga sasakyan sa tapat ng bar.

Iilan palang naman ang tao dahil masyado pang maaga. Kaagad akong pumasok at hinanap ang pwesto nila Chantal.

Nakita ko kaagad sila sa isang pabilog na lounge at nagtatawanan. Kaagad akong lumapit at ilang sandali lang ay siniko ni Clarence si Chantal.

"Ayessa!" sigaw niya at kahit kailan talaga ay napakaligalig ng babaeng ito.

"Akala ko nagjo-joke ka lang. Haha!"

Binati rin ako ng iba naming mga kasama sa ballet. Siguro ay nasa sampung katao yong grupo namin. Pinaghalong modelo at ballerina ang mga kasama ko ngayon.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon