KABANATA 22

3.2K 53 6
                                    

KABANATA 22

Stay



"While you're ignoring him, there's somebody out there who can do what you're supposed to do. She can love him unconditionally. She's willing to do everything without asking for anything from my brother."

"You're just lying. Gusto mo lang akong saktan. Hindi totoo yan!"

"You're too late, Ayessa. Hindi ka na pwedeng maghabol kasi may iba na siyang hinahabol. " sabi niya habang papalabas ng rooftop.

Umalis siya habang habag na habang ang nararamdaman ko. Naiwanan akong luhaan, bigo at wasak na wasak.

Mula sa pwesto ko, kitang kita ko na yong Gazebo. Tanaw na tanaw ko na yong grand piano ni Enrique at hindi mawala sa isipan ko yong mga sinabi ni Ate Fatima.

Habang wala ako dito sa Pilipinas may isang tao na umaalalay kay Enrique. Habang nagmamatigas akong habulin si Enrique, may isang taong humahabol at kumukuha ng atensyon niya.

Napabuntong hininga ako ng makapasok ako sa Gazebo. Napapikit at sinubukang kong isipin yong araw na dapat nandito ako sa Pilipinas.

Ako na siguro yong pinakamasayang babae sa buong mundo noong mga oras na yon kung sinubukan ko lang umuwi.

Mabagal akong naglakad papunta sa Piano. Eto yong paboritong piano ni Enrique. Natatandaan ko pa yong unang beses niya kong tinuruan noon na magpiano. Palagi niya kong pinipitik sa kamay dahil mali-mali ako sa pagpindot.

Pero ni minsan hindi siya nagreklamo sa akin na napapagod na siyang magturo sa akin. Kahit palagi akong nagkakamali, iniintindi niya pa din ako.

Naiintindihan niya kasing wala akong hilig sa mga instrumento. Pinagtyagaan niya kong turuan kahit na nakakasawa na yong ginagawa namin kasi paulit-ulit nalnag yong pagkakamali ko.

Pero ngayon mukhang napagod na siyang intindihin ako.

Napagod na siyang habulin ako.

Napagod na siyang mahalin ako.

Napagod na siyang hintayin ako.

"Bravo!" napatigil ako sa pagtugtog ng may marinig akong boses at palakpak.

Kaagad kong pinunasan yong luha sa mga mata ko at dali-daling tumayo. Nagmadali akong lumabas sa Gazebo at narinig ko naman na tinawag niya yong pangalan ko.

"Ayessa, wait lang!"

No Quen. Not this time. H'wag mo na kong habulin, please!

"Ayessa naman. Iniiwasan mo na naman ba ko? I thought we're good?" tanong niya nang sandaling mahabol niya ako.

"Quen, let me go." Nakahawak siyang mahigpit sa kamay ko at pilit ko namang binabawi ito sa kanya.

"Woah. Woah. Woah. Why in a hurry? Kanina pa kita hinahanap. Hindi ka na kasi bumalik sa amin kanina, e. Tapusin mo yong tinutugtog mo, please? Di ba ayon yong piece na ituro ko sa'yo noon? Ngayon lang kita narinig tumugtog non and it's actually beautiful----

"I said let me go! Kailangan ko ng umalis." Sigaw ko sa kanya at nakita ko namang nagulat siya.

"Where are you going?" mahinahon niyang tanong sa akin.

"I am going back to Paris." mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya yon dahil unti-unting lumuwang yong pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatalikod na ako sa kanya para sana makaalis na.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon