KABANATA 35

2.7K 55 3
                                    

KABANATA 35

Always



Ilang minuto lang narinig ko na sila Jerome na papalapit sa amin.

"Ano ba kasing nangyari?! Putangina naman alam niyong delikado dito, hindi pa kayong nag-iingat!" sigaw niya kay Charm.

"Jerome! Tulungan niyo ko dito. Please!" pagmamakaawa ko sa kanila at kaagad naman nila akong sinaklolohan.

Inilibot ang paningin siya sa buong lugar at napailing ng bigla niya akong makita na nakalambitin sa isang sanga ng puno.

"Shit!" Bulalas niya at agad siyang dumapa sa lupa at inabot yong kamay sa akin.

"Ayessa, abutin mo yong kamay ko!" sigaw niya sa akin pero hindi ko magawang maabot dahil sobrang layo at sobtang sakit ng balikat ko. Bigla na namang dumulas yong kamay ko kaya mas lalo pa akong napaiyak.

"Jerome! Ayoko pang mamatay!"

"Hindi ka mamatay. Tangina! Nathan, tulungan mo ko dito!"

"Sandali. May lubid ata sa bag ko." Mabilis na binuksan ni Nathan yong bag niya at nilabas yong mahabang tali.

"Safe ba tong lubid na to?" Tanong ni Jerome. Hindi naman kasi ganoong kakapal yong lubid na nilabas ni Nathan.

Kaagad niyang pinulupot sa katawan ko yong lubid. Naging panatag yong pakiramdam ko ng mabilis nila akong sinaklolohan.

"We don't have a choice. We have to try or else---"

"Mapapatay tayo ni Enrique kapag may nangyaring masama kay Ayessa. Ayessa, alerto lang ha!"

Napatango lang ako sa kanila at panay pa din ang pag-iyak ko. Naging panatag lang ako nang naipatong ko na yong tuhod ko sa lupa.

Nakita ko lang na nakatayo si Charm sa gilid at para bang wala siya sa sarili niya o sadyang may malalim siyang iniisip.

Hinihintay kong saklolohan ako ni Charm pero nanatili pa din siyang tahimik na nakatayo sa gilid. Kaagad naman akong nilapitan ni Jerome habang hinihila pa rin ni Nathan yong lubid.

"Kumapit ka nang mahigpit sa lubid Ayessa."

"Tangina, hindi mo man lang magawang tumulong. Kami na nga humila ng lubid, hindi mo pa inalalayan----

Narinig kong pumitik yong lubid na nakapalupot sa akin. Nakita kong kung paano napigtas yong lubid dahil sa isang matalas na bato.

"AYESSA!" Sigaw nila ni Nathan ng sandaling maputol yong lubid dahilan para tumalsik ako.

Akala ko ligtas na ako pero hindi pa pala. Kahit anong kapit ko sa lupa, hindi ako makakapit. Unti-unting nabubuwag ito sa mga kamay ko.

Dumudulas sa mga daliri ko at nawalan na ako ng pag-asa ng sandaling madulas ang katawan ko pababa sa bundok.

Kaagad kong sigaw yong pangalan ni Jerome at napapikit nalang sa kung anong pwedeng mangyari sa akin. Hindi ko na nagawang kumapit sa sanga ng mga puno o sa mga bato.

Naramdaman ko nalang na tumama ako sa mga bato bago tuluyang bumagsak sa dagat. Hindi ko na nagawang idilat yong mga mata ko dahil nakaramdam kaagad ako ng sobrang pananakit ng ulo.

Para din akong nilalamon ng dagat dahil imbis na umahon ako, pakiramdam ko ay lumulubog ako. Sa pagpikit ko, unti-unti kong nasilayan ang mukha ng pinakamamahal kong lalaki. Malungkot, punong puno ng pangungulila.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon