KABANATA 24

2.8K 54 8
                                    

KABANATA 24

Ano daw


Sumunod ako kay Ms. Mandy papunta sa office niya. Wala akong idea kung anong sasabihin niya sa akin.

Basta ang alam ko ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging maganda yong production namin.

Kung kinakailangan kong magstay sa studio ng apat na oras dahil hindi ko maayos yong sayaw ko, talagang nagpapaiwan ako sa studio.

Bumalik na ulit ako sa pagsasayaw. It's been a month simula ng magawa ko yong gusto kong gawin.

Syempre una kong ginawa ay ang makapagsayaw muli. Nagkamali ako dahil hindi si Cyrille ang first love ko kundi ang pagba-ballet. Nag-audition ako sa isa sa mga sikat na theater dito sa Pilipinas.

I was so lucky dahil after a week tinawagan kaagad nila ko para sa audition and then yong mismong araw na yon sinabi nila sa akin na pasok na ako sa grupo nila.

I was actually eyeing for this company. Sister company kasi sila nang isa sa magaling na ballet company sa Paris.

"Do you have any idea kung bakit guso kitang makausap?" Tanong sa akin ni Ms. Mandy ng sandaling makarating na kami sa opisina niya at nakaupo na siya sa upuan niya.

"Wala po. Tungkol po ba saan to? Tatanggalin niyo na po ba ako?" Tanong ko sa kanya at napatawa naman siya kaagad sa sinabi ko.

Napanguso lang ako tapos naupo na ako sa kaharap niyang upuan.

"Of course not! Bakit ko naman tatanggalin ang isang batang napakatalentado at talaga namang pursigido sa pagbaballet niya?" tanong niya sa akin habang nakangiti ng sobrang tamis

"Ms. Mands naman hindi na po ako bata." Pagrereklamo ko sa kanya kasi palagi nalang niya kong tinatawag na bata.

"E, kung hindi niyo po ako tatanggalin. Bakit niyo po ako pinatawag? May ginawa po ba kong kasalanan? O kailangan niyo lang po ng clown ngayon?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya at siya naman panay ang pagtawa sa akin.

Sabi ko na nga ba e. Kailangan lang ng clown nito. Si Ms. Mandy yong isa sa may-ari ng theater na ito.

Isa siyang batikan na ballerina. Sa edad niyang 42 napakahusay niya pa din magsayaw at magturo sa amin.

"You're hilarious. I really witty, hija." Natatawa niyang kumento sa akin kaya naman napangiti nalang ako sa kanya.

Nang kumalma na siya sa kakatawa niya may nilabas siyang isang folder at inabot sa akin. Kaagad ko namang binuksan ito at laking gulat ko ng makakita ako ng isang contract.

"Ms. Mandy..."

"I want you to be my permanent ballet dancer." nakangiti niyang sabi sa akin.

Binalik ko sa kanya yong envelopeat ilang beses na napailing.

"Sa ibang dancer nalang po. Yong mas deserving."

"Ayaw mo ba?"

Napasinghap ako hindi dahil sa ayaw kong tanggapin yong offer niya. Gustong gusto ko iyon. Pinangarap ko iyon.

Nagulat ako kasi nakangiti pa rin siya sa akin at para bang hindi nawawalan ng pag-asa sa akin. Para bang alam niya na tatanggapin ko yong offer niya pero konting pilit pa.

"Alam niyo naman pong kailangan kong bumalik sa Paris para magpasurgery, di ba ho?" Tumango naman siya sa akin.

"At aware naman ho kayo na pu-pwedeng hindi na ulit ako makarinig. So bakit po binibigyan niyo pa po ako ng kontrata?"

Inabot niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Nakatitig siya sa akin ng lubusan. para bang unti-unti niyang hinahawakan ang puso ko. Pinapainti dito ang bagay na kailangan kong gawin.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon