KABANATA 10

2.9K 45 0
                                    


KABANATA 10

Hindi na pwede



"What's wrong?" tanong niya pero napailing lang ako tapos tumingin ako sa labas ng bintana.

"Hey." sabi niya sabay hawak sa baba ko at pinatingin ako sa kanya.

"Problem?"

"Wala nga. Inaantok lang ako."sabi ko tapos umiwas na naman ako sa kanya. Hindi na siya nagtanong at pinaglaruan niya nalang yong kamay ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong umiyak ngayon pero hindi pwede. Problemado talaga ko ngayon kasi bukas aalis na ko papuntang US. Punyeta bukas pa naman yong grad ball namin at kadate ko si Quen bukas.

Hindi pa kami ni Quen. Walang kami at kahit kailan hindi magiging kami. MU lang kami. May magulong usapan, puro landian. Hindi naman niya ko nililigawan. Puro holding hands at panghahalik lang ginagawa sa akin niyang hinayupak na yan.

Kaya nga puro pang-aasar yong inaabot ko kila Summer. Simula kasi nung umamin ako kay Quen. Wala ng ginawa ang loko kundi ang dumikit ng dumikit sa akin. Ang akala nila Summer nililigawan ako ni Quen.

Pano ba naman kasi kapag tatanungin siya kung nanliligaw siya ngi-ngiti lang siya. Ang tino niyang sumagot di ba?

Pero wala akong balak patulan si Enrique...

Gustuhin ko man. Hindi pwede.

It's either ako ang masasaktan o siya ang masasaktan. Hindi ko kasi alam kung kailan ako babalik o kung babalik pa nga ba ako o baka wala na din akong balikan kapag bumalik ako.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa US. Hindi ko alam kung magwowork ba yong tinatawag nilang Long distance Relationship o baka mauwi sa Long Distance Relationshit ang lahat.

"Susunduin kita bukas ha." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya

"H'wag na. Magkita nalang tayo sa venue. I'll just wear simple dress ha, Royal Blue. Kaya wag kang mag-expect sa date mo." sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"Kahit simple dress pa yan. Kapag ikaw na nagsuot magmumukha ka pa ring prinsesa." pambobola niya.

"Tigilan mo ko sa pambobola mo Quen ha." sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya kaya naman natawa na din ako.

Buong maghapon kaming magkasamang lima pero pagdating ng ala sais nagsiuwian na sila Summer, Thalia at Jerome dahil may celebration pa daw sa bahay nila kaya kami na naman naiwan ni Quen.

Nagpahatid na din ako sa bahay namin. Nagpumilit siyang ihahatid niya ako dito sa mansyon kahit na malayo sa bahay nila kaya pinagbigyan ko na.

Hindi ko na siya pinapasok ng bahay dahil baka mabuko niya pa ang pag-alis namin. Makalat ang bahay at nasa sala na ang mga maleta namin. Pero may iilan pa akong gamit na kailangang ayusin at pati na rin ang damit na susuotin ko bukas.

"Goodbye, Zach." sabi ko sa kanya ng nakarating na kami sa bahay.

Papasok na ko ng gate ng bigla niya kong hinila at niyakap ng mahigpit.

"Damnit! I really hate it when you keep on saying good bye." pinigilan ko yong luha ko. Not now, please. Hindi niya pwedeng makita.

"Ilang buwan ko ng napapansin yan at ilang beses na kitang sinabihan na wag kang mag-go-good bye sa akin kasi para kang namamaalam. Hindi ko alam kung anong problema pero ramdam ko na meron. I will not force you to tell me kung ayaw mo talagang mag-open sa akin pero kung kailangan mo ng makakausap I'm just here for you, alright." Napatango ako at niyakap siya ng mahigpit.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon