KABANATA 16

2.6K 38 2
                                    

KABANATA 16

Hinintay



"Good evening po." bati ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at malambing niya akong nginitian.

"Good evening, Ayessa. Nice to see you again. Kamusta?" tanong niya.

Namangha ako sa kanya. Ang ganda niya pa din kahit na may edad na siya. Ang amo pa din ng boses niya na akala mo hindi marunong magalit.

Ang gaan-gaan talaga ng loob ko sa kanya. Noong nagtuturo pa ako sa school na ito, siya yong tinuturing kong nanay ko. Napakabait niya kasi at napakamaalaga sa mga empleyado niya.

Sabi niya nga sa akin noon, isa daw ako sa mga paborito niyang estudyante niya sa ballet. Noong highschool kasi madalas niya kong pinupuri sa pagsayaw ko.

Tapos noong nalaman niyang nakapasa ako sa 1st and 2nd audition ko SAB sobrang proud na proud siya sa akin.

Tapos noong bumagsak naman ako nakareceive ako ng letter mula sa kanya na sinasabi niyang para sa kanya magaling pa din akong ballerina at h'wag daw akong mawawalan ng kumpiyansa sa sarili ko at ipagpatuloy ko lang ang pagsasayaw.

Kaya lang pinatigil ako ni mommy sa pagsasayaw kasi nagalit siya sa akin noong bumagsak ako sa final audition. Isa daw akong kahihiyan para sa mga Monasterio.

Lumapit ako sa kanya at inalok niya sa akin yong upuan na nasa harapan niya kaya umupo ako doon.

"Okay naman po ako. Kakauwi ko lang noong isang linggo galing sa London."

"Kamusta ang kuya mo? Magaling na ba siya?"

"Okay na ho siya. Naoperahan na din at natanggal na din yong bukol sa ulo niya. Nagpapagaling nalang po siya doon sa hospital."

"Mabuti naman kung ganon. Matagal ka ding nawala, Ayessa. Kamusta ang Studio mo? Sinong nagmanage nito habang wala ka?" alalang tanong niya sa akin.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa tanong niya. Ang hirap pala kapag sa iba mo narinig at marerealize mo nalang na yong mga bagay na pinagkakaingatan mo noon, nawala ng parang bula sa isang iglap.

"Naibenta ko po yong studio ko ilang buwan pagkaalis namin papuntang London. Wala po kasi magmamanage kaya napilitan akong ipasara at ibenta." sabi ko at bigla akong nanlumo.

Hinawakan niya yong kamay kong nakapatong sa lamesa niya.

"Be strong, hija. Marami ka pang pagdadaanan." sabi nya at napangiti lang ako.

"Alam ko naman po yon. Kaya nga po nagpapakatatag ako e." Pinilit kong maging matapang dahil sarili ko lang naman ang aasahan ko ngayon.

"Nga po pala Ms. Cindy, pumunta po kasi ako dito para ho sana magbakasakali kung may vacant pa po dito sa school? Gusto ko ho sanang bumalik sa pagtuturo dito kung pwede pa po." sabi ko sa kanya at nakita ko naman nawala yong ngiti sa kanyang mga mata.

"Pasensya ka na, hija. Madami pa kasi teacher ngayon at wala kaming vacant sa ngayon." napatango-tango nalang ako.

"Magaling na ba yong paa mo?" Tanong niya.

"Magaling na po. Nagpatherapy na po ako at sinabing pwede na ulit akong sumayaw." Sabi ko at napangiti naman siya.

"Hayaan mo kapag may nabakante na posisyon, ikaw ang una kong tatawagan. Marami na ding nakakamiss sayo dito." sabi niya at marahan niyang pinisil yong kamay ko.

"Sige po. Aasahan ko po yon. Salamat po ha tsaka pasensya na din kung kinailangan kong umalis ng basta-basta noon at hindi na rin ako nakapagpaalam."

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon