KABANATA 41

1.8K 34 2
                                    

KABANATA 41

Pagod na ko



"To those dancers: Principal Dancer, Soloist, Demi-Soloist, Coryphées, and Sujet, who are interested to submit their appplication for Paris Opera Ballet Company, please proceed to my office." Paalam niya at kaagad na bumalik na sa kanyang opisina.

Napangiti ako sa narinig ko. Sometimes, music is all you need to make you feel better.

"Sige na ganda punta na don sa office ni Madam." Tulak sa akin ng bakla kong mentor.

Currently, I am in Soloist/ Sujet position kaya pasok ako sa requirement. May certain position lang kasi ang pwedeng mag-audition dahil ayon lang ang hiring sa ibang company.

Hinila ko si Chantal papasok sa office ni Ms. Mandy. Panay pa nga ang pag-awat niya sa akin na ayaw niya daw sumali pero pinilit ko pa din siya.

Minsan lang magkaron ng ganitong chance kaya dapat ay hindi na pinapalampas!

"Nagsisisi na ako kung bakit pa kita kinaibigan!" Pasigaw niyang bulong kaya napahagikgik ako.

Coryphées ang position ni Chantal. Coryphées is a leading dancer in a corps de ballet. Sa hierarchy ng position nauuna ang Principal, Soloists, Coryphées at Sujet . Si Clarence naman ay Demi-Soloist ng kumpanya.

Iilan lang kami sa office ni Ms. Mandy. Nakita namin si Clarence sa unahan na unti-unting lumapit sa pwesto namin. Bahagya kong itinulak si Chantal sa nobyo niya na naging dahilan para mamula ang pisngi niya.

"May audition sa saturday para sa mag interesadong maging emplayado ng POB. Aware naman kayo na every year ay nagpapa-audition sila para maghanap ng magagaling na ballerina dancers dito sa Pilipinas." Nakinig kami kay Ms. Mandy habang binibigay ang mga forms para sa application.

"Kasama tayo sa top 5 priorities na nabigyan ng pagkakataon para maipakita sa kanila ang galing natin sa pagsasayaw. Naniniwala ako na may mga makakapasok sa inyo dito. Gawin niyong lahat ang makakaya niyo."

This is my chance to be on top. Napatingin sa akin si Ms. Mandy at tinanguan ako. Naintindihan ko na ang ibig niya sabihin.

If you're lucky enough to get a second chance at something, don't waste it. Appreciate what you have right now, because you don't always get a second chance.

Kaya nga ngayong may pagkakataon ako, kahit nasasaktan na ako, kahit na nalulungkot na ako, kahit na pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko, kahit na pakiramdam ko umaasa lang ako sa wala, pinipilit ko pa ring lumaban.

Ayokong maiwan sa isipin ko yong mga katagang... Sana pala.

Sana pala ganito yong ginawa ko. Sana pala mas naging matalino ako. Sana pala hindi na ako umalis.

Si enrique ay parang ballet. Nandyan na pero napakahirap namang intindihan. Hawak mo na pero wala kang kasiguraduhan.

Hindi ko namalayan ang oras. Halos mag-aala una na ng madaling araw ng magpasya akong umuwi. Tinuruan pa kasi ako ni Chantal doon sa mga steps na hindi ko pa alam.

Si Clarence kasi ay umuwi ng maaga dahil may kailangan daw siyang asikasuhin kaya si Chantal ang nagprisinta na magtuturo sa akin.

May isang scene pa kasi akong hindi alam dahil nga naaksidente ako ay mas nahapit ang oras ko sa pag-eensayo. Kinakailangan kong makahabol kung hindi ay ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng permorfance namin.

"Ayessa, mapagod ka naman. Mamaya ka na ulit magpractice. Mas kailangan natin ng lakas dahil mamaya na yong final rehearsal natin!" Reklamo sa akin ni Chantal kaya naman tumigil na ako sa kakasayaw.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon