KABANATA 6

3.1K 45 1
                                    


KABANATA 6

Manhid



Pagkarating ko sa music room, busy ang lahat sa mga instruments na hawak nila. Sila Cyrille naman tsaka Summer magkatabi sa Piano. Sila Thalia naman tsaka Gerome nanunuod lang kila Cyrille. At si Enrique nasa sulok hawak-hawak yong gitara.

Napalingon siya sa akin, iiwas sana ako ng tingin kaya lang siya yong naunang umiwas ng tingin. Kaya naman wala akong choice kundi maupo malapit sa bintana at sinuot yong earphone ko.

Wala akong talent sa pagtugtog ng mga instruments. Pakantahin niyo nalang ako o kaya pasayawin pero wag na wag niyo kong papahawakin ng piano, guitar o violin dahil wala kong alam sa mga yan.

Pagkatapos ng klase namin sa music pinabalik na kaagad kami ng teacher namin sa classroom. Nauna akong lumabas pero laking gulat ko ng may umakbay sa akin.

"Why are you being so odd for the past few weeks? Umiiwas ka ba sa amin?" tanong ni Thalia.

Nanatili lang akong tahimik habang naglalakad kasabay silang lima. Nasa kanan ko si Thalia tapos sa kaliwa ko naman sila Cyrille at Summer at panigurado nasa likuran lang sila Enrique at Jerome.

"Are you free later?" tanong ni Summer pero hindi ko pinansin.

Bakit pa? Simula ata ng nalaman ko yong totoo. Palagi na niya akong kinukulit. Nakikipagclose sa akin. Akala naman niya papansinin ko siya. She's the reason why I am miserable right now.

Nang napansin ni Cyrille na wala akong imik kay Summer ay siya ang kumausap sa akin.

"Ate George's back. For sure she will be happy to see you." Sabi ni Cyrille.

"Sumama ka sa amin sa bahay nila Cyrille. May welcome party daw para sa ate ni Cy." sabi na naman ni Thalia. Siya lang ang tanging daldal ng daldal sa grupo namin. As if she's bridging the gap between me and Cyrille.

"Sa bahay ka na magdinner kasama nila Summer para makita mo si ate. Parang get together na din yon. We miss---"

"I'm busy. I can't go with you guys. Kindly tell her that I miss her so much." Pinutol ko kaagad yong sinabi ni Cyrille. My voice sounded a little higher and tighter than the normal.

Natahimik silang tatlo sa sinabi ko habang yong dalawa sa likod ko panay ang pagtatalo kung sino daw ang malakas na character sa dota. Nauna na kong pumasok sa room habang iniwan ko silang nakatanga malapit sa pintuan.

Narinig ko pa yong mga buntong hininga nila pati yong sinabi ni Cyrille. Halatang iritableng iritable siya sa akin pero hindi niya ko sinundan dahil panigurado pinigilan siya ni Summer.

"Really? What makes you so busy? Baka naman nagdadahilan ka lang at iniiwasan mo talaga kami."

Manhid ka Cyrille. Napakamanhid mo para hindi maramdaman ang pag-iwas ko.

What makes him think na magiging maayos kami? Sa tingin niya ba magiging okay kami matapos yong mga sinabi niya sa akin? For pete's sake umamin ako sa kanya at nagmukhang tanga pero anong ginawa niya sa akin, pinabayaang mahulog sa sariling bitag ko.

Pinagsisisihan ko tuloy ang paglipat ko dito. I want to move on. I don't want to cry anymore. I want to leave this school. I want to be happy. Gusto ko ng umalis ng bansa ng sa ganon ay hindi na sila makita.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay agad akong napayuko dahil sa sobrang antok. Matagal naman dumating yong History teacher namin kaya okay lang na matulog muna ako kahit sandali.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon