KABANATA 14

2.7K 37 0
                                    

KABANATA 14

Nakakainis



"Si Enrique." simpleng sagot niya

"Si Quen?" napatango-tango siya. Napatango-tango din ako.

Napainom nalang ako ng tubig para maibsan yong abnormal na pagtibok ng puso ko. Bakit ba ganito? Pangalan niya lang naman yon pero kung makapagreact na yong puso ko, wagas!

"Nagcelebrate kasi siya ngayon. Napromote kasi yong gago." napabilog lang yong bibig ko sa nalaman ko.

"Anong position?"

"Vice President-

"Oh" napanganga ko sa sinabi niya. Akalain niyo yon napromote yong tamad na yon.

Seryoso? Nagmature na yon? Dati nga hindi pumapasok yon sa kompanya nila. Ang tamad-tamad palaging nakatambay sa restaurant ko o di kaya nasa bar nakikipag-inuman sa mga kabarkada niya tapos ngayon malalaman ko na promite na siya at vice president pa.

"Hindi kapani-paniwala no?" napatango lang ako sa kanya.

"Kahit din ako noong una hindi naniniwala. Akalain mo nung umuwi ako dito sa Pilipinas, almost a year ago, ang loko subsob sa trabaho. Ayaw paistorbo tapos hindi sumasama sa gimik ng barkada. Ano bang ginawa mo don at parang sinaniban?"

"Wala." sagot ko at napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Totoo naman. Wala naman akong ginawa don kung bakit sinaniban yon ng kasipagan. Edi mabuti kung ganoon ang nangyari sa kanya. Akala ko nung naghiwalay kami bumalik na naman siya sa dati e.

Yong pagiging babaero tapos palainom tsaka malakas mantrip. Buti naman at may magandang nangyari noong nagkahiwaly kami.

"Pero alam mo ang pinagtataka ko kung bakit kayo nagkahiwalay?"

Hindi ako sumagot. Dumating ang order namin at tahimik kaming kumain. Nang natapos siya ay panay ang pagtitig niya sa akin. I gave up. Binaba ko ang kubyertos ko at tinitigan siya ng seryoso.

"Ayaw niya kasi akong pakinggan noon na kailangan kong umalis kasi may sakit yong kuya ko."

"Huh? Alam naman niya na may sakit yong kuya mo kaya kailangan mong umalis. Sinundan ka nga niya sa London kaso wala ka don."

"Kalokohan!"

"Trust me. Siya pa nga yong unang nagkwento sa akin bago ko malaman lahat ng detalye kay Summer. Kinuwento daw kasi sa kanya ng pinsan niya na asawa ng ate ni Summer yong nangyari. Nakipagcommunicate siya sa amin noon. Isang buwan matapos yong surgery ni Timothy, nagdesisyon na pumunta na sa London para puntahan kayo."

Napatulala lang ako sa sinabi niya. Bakit niya ako pupuntahan pagkatapos niyang makipagbreak sa akin? Para ano makipagbalikan sa akin? Matapos niya akong pagsalitaan ng masasakit. Na wala akong kwentang girlfriend. Impossibleng pumunta siya kasi ayon yong time na nakipagbreak siya sa akin.

"Paano ba kayo nagbreak? Nagkita kayo?" napailing ako

"Hindi. Nong surgery ni Timothy tinawagan ko siya. Pinapapunta ko siya sa London kasi kailangan ko siya pero imbis na maintindihan niya ako. Inaway niya lang ako tapos ilang araw ko siyang hindi macontact non." Napainom ako ng tubig ng may naramdaman akong pagbara ng lalauman ko. Mariing nakatitig sa akin si Cyrille at naghihintay ng susunod na sasabihin ko.

"Few days after our fight, nagleave lang siya ng message sa FB ko na gusto niya na daw kaming magbreak. Ilang beses ko siyang tinawagan non pero hindi niya sinasagot. Then one day, nakita ko siyang online tapos nong nagmessage ako sa kanya, nakikipagbalikan sa kanya, naseenzoned nalang ako kaya hindi na ko nangulit sa kanya."

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon