KABANATA 3

3.3K 52 0
                                    

KABANATA 3

Hatefilled



Malalim akong tinignan ni Enrique. Gustong umiwas ng tingin dahil nakakapaso at para bang nakukulangan ako ng hininga sa paraan ng pagtitig niya.

His dark eyes were wide and deep as he stared at me now. It was intense. I cannot forgot how he looks at me. Tumatagos hanggang sa kaibuturan ng pagkatao ko.

"Ayessa, come here." sabi ni Cyrille habang hinahawakan yong braso ko pero nagulat nalang ako ng bigla akong hinatak ni Enrique papunta sa likuran niya.

"Fuck you!" galit na si sigaw ni Enrique sa kanya habang dinuduro niya pa si Cyrille gamit yong isang kamay niya at yong isang kamay niya mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Lahat nalang sa'yo?! Gusto mo lahat nalang napupunta sa'yo!" sigaw niya kay Cyrille.

Napapiglas ako sa sakit ng kamay ko kaya naman napaharap siya sa akin at nanigas na naman ako sa kinatatayuan ko. Oh no the monster is in front of me. What should I do?

"At ikaw, alam mo ba kung bakit kami nag-away?" bunton niya sa akin. Halos nanlaki lang yong mga mata ko sa kanya at hindi ako makapagsalita. Tumiklop yong bibig ko at para bang namanhid ako.

"Quen." pagsingit ni Summer

Hinawakan ni Cyrille ang balikat niya at kaagad niyang itinulak palayo si Cyrille dahilan kung bakit ito napaupo sa sahg. Nakita kong napainda siya sa sakit ng mali niyang pagkakabagsak.

"Hindi mo alam yong dahilan, di ba?! Wala kang alam! Masyado ka kasing nakafocus kay Cyrille kaya hindi mo na napapansin yong nagyayari sa paligid mo!"

"Quen, please tama na yan. Will you please calm down?" pagsingit ni Summer

"Pwes ipapaalam ko sayo para naman alam mo kung bakit mo siya pinagtatanggol? Yang childhood friend mo, girlfriend niya na yong first love ko. Do you know even know who's our first love?"

"That's not true! Walang girlfriend si Cyrille! Ako lang ang mahal niya! I am his first love so shut up!"sigaw ko at napatawa lang siya sa sinabi ko.

"Really? You are his first love? Baka naman puppy love ka lang? Wake up, young lady. He doesn't love you. Kapatid lang ang turing niya sa'yo. That's what he told us kaya nga kinaibigan ka na nila."

"You're such a liar! He loves me so much because I am his first love. At ano namang pakialam ko sa first love mo?! Magsama kayong dalawa sa impyerno!" bwelta ko sa kanya na ikinangisi naman niya.

"Oh really, he loves you? E bakit hindi naging kayo? Bakit hindi ikaw yong girlfiend niya ngayon?" napatitig ako sa mga mata niya. I can't answer his question.

Hindi kami kasi hinayaan ko siyang umalis noon without knowing my real feelings for him. Pinagtabuyan ko siya noon kasi umamin siyang mahal niya ako. I got scared nung sinabi niyang mahal niya ako.

I thought we were too young for love kaya hinayaan ko siyang umalis noon kasi akala ko makakalimutan ko din yong sinabi niya but I was wrong. Araw-araw simula nang iniwan niya ako pinagsisisihan ko na hindi ako umamin sa kanya.

"Oh let me tell you a secret about my bestfriend's real first love and my first love. We are both madly in love with..."mapanukso niyang sabi sa kanya at talagang may diin ang bawat salita niya na unti-unting napapako sa isip at puso ko.

Mahina lang pero nanunuot yong mga salita niya idagdag mo pa yong kamay niya na sobrang higpit na nakahawak sa mga kamay ko.

"Quen, that's enough!" sigaw ni Thalia

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon