KABANATA 31

3.3K 58 7
                                    

KABANATA 31

Spolied brat



Maraming nagsasabi na magpaopera na ako pero hindi naman nila alam kung anong nararamdam ko. Hindi nila alam kung anong pwede kong pagdaanan.

50-50 chances ang pwedeng mangyari sa akin. Walang kasiguraduhan kung makakarinig ako ng maayos kapag nagpaopera ako.

Pupwedeng mabingi na ako ng tuluyan kapag nagpaopera ako. Akala ba nila kapag nagpaopera ako, gagaling na ako?

Hindi ako tanga. Kaya nga sinusulit ko na yong nalalabing masasayang araw ko. Sinusulit ko na yong nalalabing araw na nakakarinig pa ako.

Pero hindi nila ako maintindihan. Walang nakakaintindi sa nararamdaman ko.

Ilang minuto din akong nanatili nakaupo sa buhangin. Sinubukan kong kalmahin yong sarili ko pero hindi ko magawa.

Naisipian kong bumalik na ng resthouse para magpahinga at malamang hinahanap na nila ako. Nagulat ako ng pagtayo ko ay nakita kong papalapit sa akin si Enrique habang hawak-hawak yong cellphone ko.

"What happened?" He asked but then I ignore him.

Kinuha ko lang yong cellphone ko sa kamay niya at madali siyang nilagpasan. Ayokong makipag-usap ngayon. Ayokong may mabalingan ng sama ng loob ko.

"Ayessa –"

"Could you just please leave me alone? I don't want to talk to anyone right now, please." malamig kong sabi sa kanya.

Napatigil ako paglalakad ng bigla niyang hawakan ang braso ko at mabilis na hinarap sa kanya. Nasaktan ako sa sobrang diin ng kamay niya sa braso ko. Halata sa mga mata niya ang galit at inis.

"Ano na naman bang problema mo? Eto na naman ba tayo? May ginawa ba kong mali? Okay na tayo di ba? Tapos pagtatabuyan mo na naman ako?"

"Please lang, Enrique. Ayokong makipagtalo ngayon." Mabilis kong hinablot yong braso ko sa kanya at dali-daling pumasok ng rest house.

Nagulat ang lahat ng pumasok ako at pabalang na binuksan ni Enrique ang pintuan ng bahay. Naglikha ito ng ingay at kaagad na napatayo sila Cyrille at Thalia para daluhan kami.

Hindi pa rin sila tapos kumain at tingin ko ay hinintay din ako ni Enrique na bumalik dahil halos hindi pa nagagalaw ang pagkain niya.

"Alam mo, napakalabo mo. Ang hirap mong intindihin!" Sigaw niya sa akin at napahinto ako sa paglalakad.

Kaagad ko siyang hinarap at sinamaan niya lang ako ng tingin bago siya naglakad papunta sa kusina kung nasaan sila Thalia.

"E'di h'wag mo kong intindihin. Sinabi ko bang intindihin mo ako? Sinabi ko ba sa inyong intindihin niyo ako? Hindi naman di ba?"

Napakagat ako sa labi ko at nagkuyom ng palad dahil sa nagbabadyang luha. Ayoko! Hindi nila makikita na umiiyak na naman ako.

Hindi nila maiintindihan kung anong pinagdadaanan ko ngayon. Hindi nila maiintindihan yong takot na bumabalot sa puso ko ngayon. Yong lungkot na pilit kong inaalis sa sistema ko pero ayaw mawala. yong paghihinagpis na unti-unti ng nawawala ang mga mahahalagang bagay sa akin.

"Kapag ba pinagsasalitaan niyo ko, may narinig ba kayo sa akin? Wala! H'wag niyo kong pagsalitaan na para bang kilalang-kilala niyo ako. H'wag niyo kong pagsalitaan na parang naiintindihan niyo ko. Hindi niyo ako naiintindihan. Walang nakakaintindi sa nararamdaman ko!" Sigaw ko sa kanila at nakita ko sa mga mukha nila yong pagkagulat.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon