KABANATA 39

3.6K 58 14
                                    

KABANATA 39

Katanungan



Pagkarating namin sa floor ng unit ko ay kaagad kaming dumiretso sa condo ko. Walang gana kong pinundot ang code nito para bumukas ang pintuan.

"Your password?" Napabaling ako sa kanya.

"Your birthday and our anniversary... 121628."Napangiti siya sa sinabi ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at ako ang naunang pumasok.

Napailing nalang ako at tamad na inilapag ang bag ko sa sofa.

"What the?"

Napabaling ako kay Enrique dahil sa pagsigaw niya. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng pintuan at parang gulat na gulat sa nakita niya. Unti-unti niyang sinara ang pintuan at napalibot sa buong unit ko.

Napanguso nalang ako at hinanda ang sarili ko sa sermon niya. Makalat kasi ang unit ko at ayaw niya sa makalat.

"Really, this is your unit?" Napatango ako.

"Bakit ang kalat? Bakit may mga boxes pa?" Sabay turo niya sa isang gilid na may patong patong na boxes.

"I'm busy. I don't have time to fix my things." Halos pahina ng pahina ang bawat sinasabi ko dahil matalim niya akong tinitigan.

Napabuntong hininga nalang siya at mabilis akong nilagpasan. Nagtungo siya sa mga kahon at walang sali-salitang nagsimula kaagad na mag-ayos ng unit ko. Tumulong na din ako para mapabilis kaming dalawa.

"Pagkatapos mong mag-ayos ng gamit mo dyan ay bumalik ka sa sala ha." Napanguso nalang ako habang nilalapag niya ang ilang boxes sa gilid ng kama.

"You'll not going to help me?" Binigyan niya kaagad ako ng matalim na titig.

"No. Matuto ka." Napailing niyang sabi.

Padabog kong kinuha ang boxes at binuksan na ang closet ko para kuhain ang mga damit ko. Mabuti nalang at iilan lang ang nakalabas dito at yong iba ay nasa box pa din. Tanging mga pang-alis lang ang nilabas ko at iilang pangbahay.

"Now, I fully understand why your mom kicked you out of their house..."


"Hey!" Saway ko sa kanya.

Napabaling ang tingin ko sa kanya na nakasandal lang sa hamba ng pinto habang pinagmamasdan ako. Inirapan ko siya at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Pati ba naman yong pagtataboy ng magulang ko sa akin ay ibabalik na naman niya. My parents kicked me out kasi hindi ko sinunod ang gusto niya.

"They want you to grow up that's why they kicked you out. Kapag nanatili ka sa mansyon niyo, wala kang matututunan for sure. Lalaki ka talagang spoiled brat." Sabi niya at narinig ko nalang ang pagbagsak niya sa kama.

"Bullshit." bulong ko at napatawa siya sa akin.

Isa-isa kong nilagay sa box yong mga damit ko habang siya ay parang senyorito na walang ginawa kundi pagmasdan ako at mahiga sa kama ko.

"What a useless boyfriend! Masakit yong paa ko tapos pinapakilos ako." Natawa na naman siya sa akin kaya binato ko siya ng isang damit ko na kaagad naman niyang nasalo.

"Akala ko ba hindi na masakit? Pinapakilos ka lang puro ka na reklamo."

Natatawa niya pa ring sabi sa akin. Panay ang pang-aasar niya sa akin. Hinayaan niya talaga akong mag-ayos ng gamit ko para daw matuto ako at hindi laging nakaasa sa iba.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon