Simula

9.5K 115 5
                                    

Simula

First kiss



"Ayessa, magdahan-dahan ka naman!" Narinig kong sigaw ng pinsan ko.

Napalingon ako sa kanya at kitang kita ko kung gaano kalayo ang distansya naming dalawa. Napabusangot nalang ako dahil sa kabagalan niya. Hindi ko tuloy alam kung pinagsisisihan ko bang sinama ko pa si Cynthia sa pupuntahan ko.

"Dalian mo naman kasi maglakad Cynthia. Nagmamadali tayo tapos kung makapaglakad ka dyan para kang nagmomodel!" sigaw ko sa kanya at inismiran niya lamang ako.

Napailing nalang ako habang nakita ko siyang naglalakad na akala mo nasa entablado. Matangkad at maganda si Cynthia. Balingkinitan ang pangangatawan at may taas na 5'6 samantalang ako ay 5'4 lang.

Hindi mo mapagkakalaman na kasing edad ko lang siya, 16 years old. Mukha na kasi siyang matured para sa edad namin dahil na rin siguro sa mga make up na nilalagay sa mukha niya.

Mahilig din kasi siyang magayos ng sarili niya at kung anu-anong anik-anik pa ang nilalagay sa mukha, samantalang ako suklay at pulbo lang ay kuntento na ako.

Nang makarating siya sa pwesto ko ay nahabag ako sa nakita ko. Mapula-pula na yong pisngi niya dahil sa init ng araw at pagod. Pawis na pawis na rin siya at may kaguluhan na ang nakapusod niyang buhok.

"Sige, mag-ayos ka muna ng sarili mo. Baka mamaya ay sisihin mo pa ako kapag bigla mong makita ang nobyo mo at iwanan dahil mukha ka nang lukresya." sinimangutan niya ako.

"Dapat kasi ay sumabay nalang tayo sa kanila papuntang school. Bumili-bili ka pa kasi ng cupcakes, ayan tuloy napacommute pa tayo ng wala sa oras."

Inilugay niya ang diretso niyang buhok at ngayo'y kulot-kulot na. Nagpunas siya ng pawis niya at nagpahid ng pulbo sa mukha at leeg niya. Nang natapos siya ay binalingan niya ako at nginitian pero napasimangot siya ng mapadako ang mga mata niya sa labi ko.

"Sigurado ka bang hindi ka niloloko ni Jarryl? Baka inuuto ka lang noon ha."

"Ewan ko. Basta pinakita sa akin ni Jarryl yong picture nila ni Cyrille e. He even said that they're friends so I have to do his dare para sabihin sa akin kung nasaan si Cy."

"And what did he asked you to do?"

"To kiss someone..." She immidiately glared at me. Kaagad ko siyang tinalikuran at nagsimula na ulit na maglakad.

She really looks tired but I don't care. Pagod din naman ako pero dahil may hinahabol kaming oras ay hindi ko magawang magpahinga. Mamaya na kapag nagkausap na kami ni Cyrille.

"Hibang ka na talaga!" napangiti ako sa ekspresyon niya. People are so conservative...

"Pati ba naman first kiss mo pinapamigay mo nalang basta-basta kapalit lang ng maliit na impormasyon kung nasaan si Cyrille."

"It's just a kiss, Cynthia."

"Hoy hindi yan materyal na bagay na pwedeng ipamigay basta basta, Ayessa."

"That was only a kiss and you know that I will do everything for Cyrille so stop overacting, Cynth. " Natuwa ako ng wala na akong narinig na pagrereklamo sa kanya at dumiretso nalang kami sa paglalakad.

Hibang nga talaga ako dahil pinagpalit ko yong first kiss ko para lang malaman ko kung nasaan nag-aaral si Cyrille.

Narinig ko ang pag-uusap ng dalawang babae palabas ng paaralan nila.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon