KABANATA 28

2.6K 49 7
                                    

KABANATA 28

Complicated



Ilang sandali din ay tuluyan na niyang sinarado yong pintuan ng sasakyan. Narining kong bumusina si Quen kaya naman dali-dali akong tumakpo papunta sa shotgun seat.

"Slowpoke!" Sita niya sa akin.

Umayos nalang ako ng upo habang nakasimangot. Alam ko humahaba na naman yong nguso ko pero anong magagawa ko. Hindi ko siya maintindihan e.

Halos malagutan ako ng hininga ng bigla siyang lumapit sa akin. Napapikit ako ng mariin dahil nararamdaman ko na yong hininga niya papalapit sa mukha ko.

Nang bigla ko nalang maramdaman na pinitik niya ako sa noo ko. And when I opened my eyes nakita kong nakakabit na sa akin yong seatbelt.

What the freaking hell is going on?

Ayan ang tanong ko sa sarili ko sa buong biyahe namin. Tahimik lang akong nagmamasid sa labas ng sasakyan. Samantalang sila Thalia napakaingay at puro asaran ang ginagawa.

Wala pa din silang pagbabago. Maingay pa din sila. Parang mga bata pa din kapag nagsama-sama kami. Ang nagbago lang hindi na namin nakakasama sila Summer at kuya sa mga ganitong lakad tapos dumagdag na sila Nathan, Christina at Charm sa grupo namin.

"Naku! Lunod na si Ayessa." Napairap lang ako ng marinig ko na naman yong pangalan ko sa bibig ni Jerome.

Panigurado aalaskahin na naman ako ng mga to. Ano bang bago?

"Oo nga. Di ba sabi ko sa'yo mag-ingay ka. Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ha? Baka malunod ka niyan!" Kaagad kong sinamaan ng tingin si Enrique

"Oo, uunahin kitang lunurin kapag hindi mo ko tinantanan. Hayup ka!" Sigaw ko sa kanya at nagtawanan naman sila ng napakalakas.

"Buti, nag-iingay ka na ngayon. Kanina sobrang tahimik mo e. Napaka-emo mo kanina." Sabi ni Christina pero sa halip na ako ang sumagot si Thalia ang sumagot sa kanya.

"Parang di pa kayo nasanay kay Yessa. Kapag nanahimik yan, matakot na kayo. How's your ballet?" Pag-iiba ni thalia kaya napangiti nalang ako. She knows me well.

"Good."

"Ang tipid." Narinig kong sabi ni Quen kaya napatingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Pasulyap-sulyap habang nagmamaneho.

"Tumingin ka nga sa kalsada baka mabangga tayo sa kagaguhan mo. Wala na sa direksyon yong pagda-drive mo." sita ko sa anya at aba ang loko nginitian lang ako.

"You're safe with me. Hindi mo ba alam na ikaw ang tamang direksyon sa buhay ko?"

Naku Enrique Zachary! H'wag mo kong ginaganyan. Baka umasa na naman ako sa'yo. H'wag ka namang bolero.

"Uyyy. May namumuo na naman sa kanila." Pang-aasar ni Jerome pero binaliwala ko lang.

"May performance pala kami next month—"

"Pwedeng manood?" Tanong ni Quen. Hindi pa nga ako tapos magsalita, pinuputol kaagad ako.

"Bakit?" Tanong ko at alam kong nakikinig din yong mga hinayupak kong kaibigan sa sasabihin ni Enrique.

"No Reason, I suppose. So pwede ngang manood?"

"Why don't you ask your girlfriend kung pwede kang manood? Ballerina din siya di ba?"

Naiinis na ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong tinira ng isang to at kug makaarte wagas. Kung nag-artista lang to malang best actor na siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago muling nagtanong.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon