WAKAS

2K 51 9
                                    

This will be the last part of 'Somebody Out There'. Thank you for the support and I hope you enjoy reading this book as much as I enjoy writing it. Please let me know your thoughts when you get a chance. I would love to read your comment. :)


Love and Thanks, 

-Ching


WAKAS


(Music: Say You Won't Let Go)


Madaming pwedeng mangyari sa buhay ng isang tao. May mga taong mawawala sa buhay mo na basta-basta nalang. Tipong sandali mo palang silang nakakasama pero magugulat ka nalang kinabukasan di mo na sila makakasama.

May mga tao naman na bigla-bigla nalang darating sa buhay mo sa hindi inaasahang pagkakataon. May darating din sa buhay mo na pasasayahin ka sa kabila ng kalungkutan na nararamdaman mo. Meron din naman sisirain yong buhay mo sa hindi malamang kadalihanan.

Pero kahit na anong gawin nila sa buhay mo, nasa sayo pa din kung magpapadala ka sa kanila o hindi. Alalahanin mo ikaw ang may hawak ng buhay mo at hindi sila kaya kung anong nangyayari sa buhay mo, wag mong isisi sa iba.

Simple lang ang buhay ng isang tao. Gigising sa umaga, kakain, gagawin yong mga nakagawiang bagay katulad ng pagpasok sa school, pagpunta ng mall, pumasok sa trabaho o kahit na ano pang gawain yan, kakain tapos matutulog ulit. Tapos kinabukasan, ganon ulit. Simple lang hindi ba?

Sadyang nagiging komplikado lang dahil sa mga desisyon na ginagawa natin. Kaya tuloy yong simpleng buhay natin nagugulo kasi minsan hindi natin alam kung anong desisyon yong gagawin natin. Lahat kasi ng desisyon natin may kaakibat na resulta. Mabuti man yan o masama, maapektuhan niyan yong buhay natin.

Minsan kung kailan planado mo na lahat tsaka naman may biglang mababago dahil sa desisyon mo. Kaya ikaw, hindi mo na naman tuloy alam kung saan ka magsisimula o ipagpapatuloy mo pa yong plinano mo. Pero isa lang yong natutunan ko sa lahat ng naranasan ko sa buhay ko.

Ayon yong kung paano ka magiging matatag sa lahat ng problemang kahaharapin mo. Kung paano mo haharapin yong bagong umaga sa kabila ng mabigat mong nararamdaman o masamang nangyari o mabuting nangyari sayo nong nakaraang araw. Natutunan ko kung paano magmahal, sumuko at magmahal muli.

Parte kasi ng buhay ng tao yon. Hindi ka mabubuhay sa mundo na puro galit at lungkot lang yong dala-dala mo. Pagmamahal, ang daming nagagawa niyan. Kesyo masama o mabuti. Pero ang pinaka natutunan ko kapag nagmamahal ka ayon yong magpakatotoo ka lang at maging handa sa lahat ng mangyayari sayo. 

Doon mo makikita yong kasiyahan na inaasam mo. Kailangan mo lang parating maging handa kasi may mga bagay na darating nalang na hindi mo inaasahan. Sa oras na magmahal ka na darating ka sa punto na masasaktan ka, magsasawa ka, mapapagod ka at susuko ka. Parte na kasi ng pagmamahal yon.

Wag kang matakot na masaktan. Sabi nga nila di ba kung hindi ka nasasaktan kapag nagmamahal ka, hindi ka pa nagmamahal. 

Kapag nagmahal ka hindi mo matuturuan yang pusong tumigil sa kakatibok para sa isang tao. Lalo na kung gusto mo ng iwanan yong taong yon pero hindi mo magawa dahil mahal na mahal mo siya. Hoy gumising ka nga! 

Kung nagpapakatanga ka na iwanan mo na. Kung hindi ka niya mahal iwanan mo na. Pero kung mahal niyo yong isa't isa bakit kailangan niyong iwanan yong isa't isa? Para mo na ring sinabi sa sarili mo na wag huminga hanggang sa mawalan ka na ng buhay kapag ginawa mo yon.

Alalahanin mo na sa kabila ng sakit na nararamdaman mo may kapalit din yang magandang mangyayari. Alalahanin mo din kung gaano kadami yong taong naghahanap ng pag-ibig tapos ikaw nasa harap mo na papakawalan mo pa?! Seriously. Mag-isip ka nga. Maswerte ka na kasi nakilala mo na yong para sayo tapos papakawalan mo pa!

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon