KABANATA 21

2.7K 49 7
                                    

KABANATA 21

Make it better



"Bakit di mo pinaglaban?" Napakunot noo siya sa tanong ko pero kalaunan ay nakuha din ang pinupunto ko.

"Paano ko naman ipaglalaban kung pinagtataguan ako?" Napabuntong hininga siya at bigla ipinatong ang ulo sa balikat ko.

"Masakit palang maiwanan. Now I can totally understand the feeling of beong left behind. I don't know what to do, Ayessa. I just let the pain take over, allowing it to numb the pain of being left behind. I am so tired and sick of being an option. Kailan ba ako sasaya?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tumagos sa kaibuturan ng isip at puso ko ang bawat hinagpis na nararamdaman ni Cyrille.

Natawa ako ng naisip ko si Enrique, somehow pareho ang naranasan ni Enrique. Ganito din kaya siya ng iniwanan ko siya noon?

Ganito din ba ang naramdaman niya sa tuwing iniiwanan ko siya ng basta-basta nalang? Ganito niya ba niya ako kamahal na parang mababaliw siya dahil hindi niya ako mahanap?

Hinanap niya ba ako? May pakialam ba talaga siya sa akin? o napagod na siya kaya pinabayaan niya na ako?

"Ikaw, bakit di mo pinaglalaban?"

Imbis na sumagot ako. Napatugtog ako ng isang piece at kaagad na napaayos ng upo si Cyrille sa akin. Alam kong alam niya ang tugtog na ito.

Tinugtog ko to noon sa isang school event noong nasa UCLA pa ako at labis labia ng kaba ko ng maalala ko ang panahon na iyon.

Can you see it in my eyes I'm disappointed
'Cause you're the foolish boy that I trusted with my heart

But you tore it apart

Tumingin ako kay Cyrille ng kantahin ko ang linyang iyon. Alam niyang para sa kanya yon.

And Boy what a mess I've been since you left me
And I know that I don't deserves this
But here I am giving you another chance

Alam niyang noong highschool pa kami, ito ang mga salitang gusto kong bigkasin ng paulit-ulit sa kanya. Iniisip ko nga noon, kung naging kami kaya ni Cyrille, ano kayang kahihinatnan namin?

Can we fall, one more time?
Stop the tape and rewind
'Cause if you walk away, again I'll break
Cause there is nobody else

Ako ang babaeng naghabol, pinaasa at higit sa lahat sinaktan niya ng hindi niya sinasadya pero pinilit ko pa din ang sarili ko para mahalin niya ako.

It's gotta be you
Only you
It's gotta be you
Only you

Pinagpilitan ko kasing lumaban. Sabi kasi ng tanga kong puso siya na ang lalaking para sa akin. Hindi pa pala... Kahit anong pilit ko palang lumaban, kung sa umpisa palang talo na ako, wala ng mangyayari.

Cause when I hear your voice my heart it trembles
When you move close to me, I know I don't have to pretend

I'll feel alive again

Kaya nabaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Sa ibang tao na unti-unting nagpatibok ulilt ng natutulog at sugatan kong puso.

And your actions speak louder than words
Let's break from all this hurt
And don't be scared, I ain't going no where

Masakit magmahal. Sobrang sakit at mahirap bigyan ng eksplanasyon. Mahirap espelengin ang pagmamahal dahil kaakibat nito ang salitang sakit. Kaya dapat kapag magmamahal ka ay maging handa ka...

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon