KABANATA 4

3.4K 49 1
                                    

KABANATA 4

Tatlong taon



"That's so unfair, right? Ayan ba yong tinatawag niyong pag-ibig? Pag-ibig na ginagawa ka lang alipin? Ginagawa kang tanga para sa isang tao? You better wake up, young lady. Don't believe in love. There is no such thing as love."

Napaiyak na naman ako pero sa pagkakataon na ito sinubukan kong maging matapang.

Kahit mahirap, pinigilan kong wag umiyak. Kahit masakit sa dibdib, tiniis kong wag mangibabaw ang sakit, pangungulilaat lungkot na nararamdaman ko.

Humiga si Quen sa tabi ko at marahang pinaglalaruan ang buhok ko. Kumalma ako dahil doon sa ginagawa niya.

"To answer your question. Yes, I loved her." sabi niya at napatingin naman ako sa kanya. Napatitig ako sa mukha niya habang nakapikit siya. Mahabang pilik mata, makapal na kilay, matangos na ilong, may porselanang balat.

"So naniniwala ka sa love. Ibigsabihin hindi totoo yong mga sinabi mo kanina na walang love." napatawa siya ng mahina.

"I once believe in love, pero hindi na ulit naulit pa. Tinigil ko na yong paniniwala sa kahibangan na yon. Ayokong maniwala kasi ginagawa lang nitong tanga yong mga tao." Napanguso siya at nagpipigil na ngumiti.

"Parte yon ng pagmamahal." napailing siya sa sinabi ko.

"Pero mali kasi yon. Kita mo yong nangyari ngayon. Nabulag ako, hindi ko namalayan na pagmamay-ari na pala ng iba si Summer. Look at you..." Bumaling siya sa akin at mataman akong tinignan.

Kumalabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Isang sampal ng katotohanan ba ang maririnig ko?

"Handa kang gawin lahat para masuklian lang yong pag-ibig mo kaso hindi ka naman sinusuklian. Never kang masusuklian kasi wala siyang pakialam sa nararamdaman mo." napahinga siya ng malalim at mariin na pumikit. Maya-maya ay nagsalita na naman siya.

"Ayoko ng ganyan kaya naman habang maaga pa, ititigil ko na yong paniniwala ko sa love. I don't want to be a slave of that fucking love. I don't want to look like a fool. I don't want to feel the pain. I don't want to get hurt. That's why I chose to be like this. I don't believe in love." seryoso niyang sabi.

Napatulala lang ako sa kanya. May ganitong tao palang nag-e-exist. Taong umiiwas magmahal. Taong ayaw ng maniwala sa love dahil ayaw masaktan.

Napakalalim ng pinaghuhugutan ng taong to. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yong sintemento niya. Pahero kaming nagulat ng biglang bumukas yong pintuan ng clinic.

"Oh anong ginagawa niyo dito?" tanong ng nurse.

"Obvious ba? E'di magpapagamot." masungit na sagot ni Enrique habang bumabangon siya sa kama.

Umalis sandali yong nurse para pumunta sa isa pang kwarto at pagbalik niya may dala-dala na siyang medkit. Binigyan niya ng bulak, betadine, alcohol at plaster si Enrique. Tapos lumapit siya sa akin.

"Hindi mo ba ko gagamutin?" tanong ni Enrique.

"Malaki ka na kaya mo na ang sarili mo." sabi ng nurse na ikinagulat ko.

"Susumbong kita kay daddy."

"Go on. I'll be glad to accompany you. Lumipat ka nga doon sa kabilang kama at nang maasikaso ko naman itong magandang babae." sabi niya habang ginugulo yong buhok ni Enrique

"Ano ba, ate?! H'wag mo ngang guluhin yong buhok ko." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Enrique sa kanya. Binaling niya ang atensyon niya sa akin.

"Hello, who are you? At bakit magkasama kayo nitong unggoy na to?"

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon