KABANATA 17
Impossible
Kanina ko pa pinapahiran yong mga mata ko pero kanina pa din siya iyak ng iyak. Nakakapikon na nga e. Nakakainis dahil sa bawat pagpikit ko bumabalik sa alalala ko yong nangyari kanina.
Ayessa, halik lang yon! Hindi ka na niya girlfriend kaya wag kang mag-inarte dyan. Buti nga halik lang yong nakita mo at hindi live show. Buti nga nakaalis ka kaagad kasi kung hindi ka pa umalis baka mamaya iba na yong makita mo.
Move on na kasi Ayessa. Wala na siyang pakialam sayo. Move on na iniwanan ka na niya kaya expect na mambabae ulit yon o kaya naman baka girlfriend na niya yon and that thought made me cry harder.
Nakarating akong parang sira sa condo ko. Yong driver nga tanong ng tanong sa akin kung ayos lang ba ako, ako naman tong tango ng tango na parang sira.
Tumigil naman na ko sa pag-iyak. Napag-isip isip ko kasing hindi dapat iniiyakan yong lalaking yon. E ano kung naghiwalay na kami?
Hindi ko na kawalan yon. Kawalan niya ko. E ano kong hindi niya narinig yong paliwanag ko sa kanya. Kawalan niya na yon.
Pagkarating ko sa condo ko kaagad kong inayos yong sarili ko para makatulog na din ako. Pagod na pagod ako ngayon araw.
Buti nalang wala ako masyadong gagawin bukas sa trabaho. Dadaan lang ako sa office sa tanghali tapos sa hapon wala na akong gagawin.
Patulog na ko ng narinig kong tumunog yong cellphone ko
Calling... +63916xxxxxxx
Napatitig lang ako sa screen ng phone ko hanggang sa ilang sandali nawala na din yong number niya.
Nakakailang tawag na din siya sa akin. May mga text din. Ano bang problema ng lalaking to? May nakalimutan ba kong sabihin sa kanya?
Mali na naman ba yong proposal na binigay ko sa kanya? Sa pagkakatanda ko binago ko na yon at sinunod yong gusto niya.
Tinignan ko nalang yong mga message niya at baka mamaya nagaalburoto na yon sa inis sa akin.
From: Unknown Number
Yesh, answer the phone.
From: Unknown Number
Can you please answer your fucking phone?!
From: Unknown Number
Ayessa! Please answer your phone. I'm fucking worried about you.
From: Unknown Number
Are you home already?
Napabuntong hininga ako sa mga nabasa ko?
Bakit?
Ayan lang yong tanong ko sa sarili ko ng makita ko yang mga mensahe niya kaya naman kaagad ko siyang nireplyan. Baka naman concern lang sa akin kasi gabi na din ako nakauwi.
To: Unknown Number
Hi, Quen. I'm sorry if I wasn't able to answer your calls. You don't have to worry about me. Nakauwi na ako. Thanks!
Pagkatext ko sa kanya non, pinatay ko na kaagad yong phone ko at dumiretso na sa pagtulog. Pagod ako. Pagod yong utak ko, pagod yong mga mata ko at pagod na din yong puso kong umitindi pa ng mga bagay-bagay.
Ilang araw matapos yong nangyari sa condo nila Enrique naisipan ko na makipagpalit ng account kay Mica.
Alam ko magtataka siya pero panigurado maiintindihan naman niya ako kapag pinaliwanag ko na sa kanya yong dahilan kung bakit ayoko ng hawakan yong account ni Enrique.
BINABASA MO ANG
Somebody Out There
General FictionSEQUEL OF SUMMER OF LOVE - SOMEBODY OUT THERE Ayessa Lyka Marie Monasterio's story Hindi ako naniniwalang may pag-ibig. Isang malaking kalokohan yon. Kaso pinaniwala niya akong mayroon pag-ibig. Pinaramdam niya sa akin kung anong kahulugan nito. Tin...