KABANATA 30

2.6K 51 7
                                    

KABANATA 30

Fall Back



Ang sarap-sarap sa feeling na nakakulong ako ngayon sa braso niya pagkatapos ng mahabang panahon. Pagkatapos ng sakit na nangyari sa akin, ganito kasarap yong nararamdaman ko.

I missed him. I missed him so much at hindi ko alam kung paano ko nakaya yong isang taon na hindi ko siya nakasama at hindi kami nagkita.

"I missed you so much, Honey." Bulong na naman niya sabay halik sa ulo ko.

Nakasandal na ulit ako sa dibdib niya habang yakap pa din niya ako. Umayos na ako ng upo ko, patalikod sa kanya. Ayaw naming maghiwalay. Gusto nalang namin magyakapan.

"Swimming tayo." Umiling ako sa kanya.

Masakit na kasi yong balat ko gawa ng kanina pa din ako nakababad sa tirik ng araw. Pagod din ako dahil sa pagsasayaw kaya panigurado hindi rin ako makakalangoy ng maayos.

"Ikaw nalang. Magpapahinga muna ko dito. Pagod na ko e."

"Pagod ka na agad? Hinalikan lang kita tapod pagod ka na kaagad? Paano na kapag ---"

"Fuck you! Nilulumot masyado yang utak mo. Magswimming ka na nga lang!" Kaagad naman siyang napatawa sa pinagsasabi ko.

"Eto naman masyadong highblood. I'll be back." Then he kissed me bago siya nagtatakbo sa dagat.

Para pa nga siyang siraulo habang naglalakad. Palingon-lingon pa sa akin at panay ang pagpapacute. Akala niya ata mapipilit niya kong magswimming.

"You sure ayaw mong magswimming? Sayang ang grasya. Ako na mismo nang-aaya sa'yo!"

"Magpakalunod ka dyan. Bwisit!" Sigaw ko sa kanya.

Alam kong pulang-pula na yong mukha ko hindi dahil sa sikat ng araw kundi dahil kay Ennrique. Ikaw ba naman makakita ng pandesal sa tanghali kahit tapos na ang agahan. Naku!

Napatingin ako sa gilid ko ng may biglang tumabi sa aki-n. Sila Thalia, Jerome at Cyrille.

"Oh gosh. I miss that smile in his face." Napataas yong kilay ko sa sinabi ni Thalia.

Napatingin ako kay Enrique na panay pa rin ang paglangoy at kung minsan pasulyap-sulyap siya sa pwesto namin. Ngingitian ako tapos biglang sisimangot kapag napapatingin ako kay Cyrille. Napakaselosa.

"Isang tao lang naman nakakagawa niyan at isang tao lang din ang may kayang magpasimangot sa kanya ng sobra-sobra." Sabi ni Jerome

Nagsisimula na naman po sila. Ako na naman ang pagtitiripan. Pero bago pa nila ako mapagtripan ay si Cyrille na ang nilagay ko sa hotseat.

"Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Quen? Ano na namang pinagtalunan niyo?" Napabintong hininga lang siya sa akin.

"Malamang ikaw." Sabi ni Thalia na kaagad naman siyang sinamaan ng tingin ni Cyrille.

Tinignan ko siya ng seryoso at alam niyang hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya kiinukwento sa akin.

"Fine, ako na may kasalanan kung bakit magkaaway kami pero napakagago kasi niyang lalaking yan. Tama ba namang makipagbreak sa'yo sa fb? Parang hindi seryoso sa relasyon niyo." Napanguso lang ako habang sinasabi niya yon

"Makipag-ayos ka na sa best friend mo. Kakailanganin ka niyan." Sabi ko sa kanya

"What are you planning to do?" Tanong niya.

"H'wag mo na kong alalahanin. Ako ng bahala sa sarili ko basta kakailanganin kayo ni Quen." Sabi ko sa kanila.

Panay ang pagkulit nila sa akin kung ano daw ba ang binabalak kong gawin at parang kinakabahan sila sa akin.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon