KABANATA 25

2.5K 48 0
                                    

KABANATA 25

Partner



"I'm sorry. What did you just say?"

"You weren't paying attention." Inis na sagot ni Enrique sa akin.

Hindi ako bumaling sa kanya. Yeah, right. I wasn't paying attention but I will not admit that. Who gives a damn? Hinintay ko ang sasabihin ni Ate Georgina na pabalik balik ang tingin sa amin ni Enrique.

"Sabi ko, magkapartner kayo ni Enrique para sa next photoshoot." simpleng sagot niya at kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko.

"What?!"

Mabilis akong hinatak paupo ni Sean at inakbayan ako.

"Easy, baby girl." bulong niya sa akin.

"Wala si Sean next week kaya wala kang magiging kapartner. Tapos na rin natin yong mga solo shots na kailangan ko sa'yo kaya by pair na yong kailangan kong shot sayo. At si Enrique yong ipe-pair ko sa'yo." nakangiti siya habang sinasabi yon at naghaharutan pa sila ni Andrew. Bullshit!

"I am not here as well."

"Why? Are you going to Nevada with Sean?" Kunot noong tanong ni Ate Georgina sa akin.

Nakita kong nakatingin sa akin sila Enrique at Thalia. Maging yong ibang models ay parang hinihintay ang magiging sagot ko.

Pinigilan kong mapasinghap dahil sa paraan ng pagtitig ni Enrique. Bakit ba sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay nakikita kong nagliliyab ito sa galit? Bakit parang kakainin niya ako ng buhay?

Hindi ba pwedeng umarte nalang siya ng normal at casual. Para siyang apektadong-apektado sa pinaggagawa ko.

Napabaling ako kay Sean. Tinanguan niya ako na sumang-ayon na ako sa gusto ni Ate Georgina pero nagmatigas ako. I will not do what she wants me do to. No way I will let her pair me with that guy!

"No."

"So it's settled then. Magkapartner na kayo ni Quen"

"Hindi pwede. Wala talaga ako dito next week." Marahan ko siyang tinignan at kita ko ang inis sa kanyang mukha.

Napatingin ako sa handler ko na tahimik lang sa isang gilid at para bang pinababayaan na si Georgina ang magdesisyon ngayon.

"Eden, did you show my contract to Ate George?"

"Yes, pinakita niya sa akin. I will give you additional payment if that's what you want." Kaagad na buwelta sa akin ni Ate George.

"I don't need your money, Ate George. Hindi ko to ginagawa para sa pera! I will not accept your offer." Nanggigigil kong pahayag sa kanya.

"Bullshit." malutong niyang mura at napahagod kaagad sa braso niya si Andrew.

Tumingin kaagad ako sa kanya at wala pa din pinagbago ang itsura niya. Matatag at gustong gusto niya talagang sundin ko ang gusto niya.

Nainis ako at naghuhumentaryo na ang damdamin ko dahil sa sinabi niya. Tingin niya ba ay ginagawa ko ito dahil sa pera?

Parang sinabi na din niya na mukha akong pera. Na hindi ako magtatrabaho hangga't wala akong dagdag. Ganoon ba ang tingin niya sa akin?

"I am only here for Sean. Kung wala siyang schedule ibigsabihin wala din ako. I am only doing this photoshoot for Sean. Siya lang magiging partner ko sa magazine na ilo-launch niyo. Wala. ng. iba."

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon