KABANATA 50

1.6K 31 7
                                    

This will be the last chapter of 'Somebody Out There'. I hope you enjoy reading this story. Thank you for patiently waiting for my updates. I will now focus on Summer Love book 1. :)

Hanggang sa muli.

Love,

Ching.

-----------------------------------


KABANATA 50

Tuldok



"When did you buy this?" I asked her and she giggled.

"Yesterday, kaya nga namove yong dinner date niyo. Ang paalam niya sa'yo ay pupunta siya sa mommy niya di ba? Pero pinuntahan namin si Teban at nagpagawa ng rush na tutu dress sa kanya." Napangiti ako.

"Nakakaloka yang boyfriend mo! Kapag ginusto, dapat nasusunod! At infairness, napakaeffort ni Quen."Napatawa ako ng mahina.

Well, that's Enrique. Ano pa nga bang aasahan nila? Kapag sinabi niya, ayon ang masusunod. Sa akin lang naman nagbabago ang desisyon niya. Kapag nilambing ko na, bumibigay din.

I am aware that I am his kryptonite. Ganon din naman siya sa akin.

"Nagtalo pa kami sa sukat mo. Sabi ko masyadong masikip yong gusto niya pero ang loko sinigawan ba naman ako. Alam niya daw ang sukat ng katawan mo. Bawat sulok at kahit maliit na detalye alam niya daw kaya wag akong pakilamera!" sigaw niya at kaagad akong nahiya sa narinig ko.

Paniguradong namumula na ang mukha ko dahil sa sinabi ni Thalia. Walang hiyang Enrique iyon kahit kailan ay nilulumot ang utak!

"He's really insane and madly in love with you!" sigaw niya at napangiti nalang ako.

Ilang minuto pa akong nilagyan ng make-up ni Thalia. Inayos niya na din ang buhok ko at ayaw niya akong dumilat dahil surprise daw ang magiging itsura ko.

Kulang na nga lang ay makatulog ako sa tagal ng pag-aayos naming dalawa. Panay din ang pagpitik niya sa kamay ko kapag nakakatulog ako dahil sa katagalan.

"Finally, tapos na. Open your eyes, darling!" Maingat akong dumilat at laking gulat ko ng makita ang repleksyon ko sa salamin.

Hindi ko na makilala ang sarili ko at halatang hindi na namamaga ang mga mata ko. Hindi naman makapal ang make-up ni Thalia sa akin. Katunayan pa nga niyan ay simple at light lang ang ginawa niya.

Masyado na kasing loud yong kulay ng dress ko kaya hindi maganda kung pati mukha ko ay ganon din. Tanging ang mata lang ang nilagyan niya ng detalya. Nilagyan niya ako ng eyeliner at mascarra. At medyo dark ang mga eyeshadow ko.

Pinatayo niya ako para mas makita ang kabuuang repleksyon ko. Nangibabaw ang kaputian ko dahil sa suot ko. At ang mga mata ko ay mapanukso at hindi mo mabibitiwan ang pagtitig dito.

Masinop din ang pagkakaayos niya sa buhok ko. May iilang takas ng buhok sa ibaba at kinulot niya ito para mas mabigyang detalye. May napansin pa akong mga kumikinang sa buhok ko na parang maliliit na bulaklak na nakadikit dito.

"Wow." Ayon lang ang nasabi ko sa kanya.

"You like it? Ang swerte ni Enrique sa'yo!" Napatango ako at kaagad na napayakap sa kanya.

"Mas maswerte ako dahil may Enrique ako. Wala na akong mahihiling pa dahil sobra sobra na yong pagmamahal niya."

"Ahh. nakakainggit kayong dalawa!" Napahagikgik ako.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon