KABANATA 49

1.3K 30 0
                                    

KABANATA 49

Surpresa

Sandali kaming napatahimik. Sa sobrang tahimik ay halos mabaliw na ako sa kakaisip ng m ga bagay bagay. Bakit kailangan niyang gawin sa akin iyon? Bakit kailangan kong maramdaman yong ganitong sakit?

Talaga bang kapag nagmahal ka ng lubos, kaakibat na nito ang sobrang sakit. Sakit na sisira sa katinuan mo. Sakit na pipirasu-pirasuhin ang puso mo. Sakit na magpapamanhid sa puso mong sawi.

"Why? Ganon ba kita nasaktan? Gusto mong ibalik yong sakit sa akin."

"I want to revenge. Gusto kong iparamdam sa'yo yong sakit pero hindi ko pala yon kaya kasi mahal kita. Kasi mas okay na ako ang masaktan kaysa ikaw."

Nakita kong namamasa na ang kanyang mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin. Tumatagos sa kaibuturan ng puso ko ang sakit.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kaya pang pakinggan yong sasabihin niya. Sarado ang isipan ko ngayon at ang tanging naiisip ko lang ay gagantihan niya ako at hindi niya ako mahal.

"Nawala sa isip ko iyong paghihiganti ko sa'yo ng makasama na kita sa paggawa ng mga proposals for Celestine. Hindi ko kayang nasasaktan ka. Na okay lang na ako ang nasasaktan, h'wag lang ikaw. Mahal kita. Walang nagbago don. Ikaw pa rin ang laman nito..."

Sabay turo niya sa kaliwang dibdib niya. Pinalis ko kaagad ang mga luha sa mga mata ko. Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Panalo ka na. Nakaganti ka na."

"I have told you already, Lyka! Mahal kita! Mahal pa rin kita kahit pagkatapos mo akong iwan nang walang sinasabi! Hindi ako gumaganti sa'yo. Plinano ko pero hindi ko ginawa! Hindi mo ba makuha iyon?" sigaw niya.

"I don't want this anymore..."

"Damnit!" Kaagad siyang tumayo at aaktong lalapit sa akin ng umatras ako kaya tumigil siya sa binabalik niya. Bakas sa mukha niya ang sakit at hinanakit.

"Ayoko na, Quen. Let's stop this..."

"No! I don't want us to separate! I want to marry you! I want you to be my wife! I want to marry you in front of God! I can't wait any longer pero tinitiis ko dahil may mga pangarap ka pa sa buhay mo na gusto mong makamtan! Iyon ang gusto ko ang pakasalan mo ko pero hindi ko pinipilit kasi inintindi ko yong gusto mo. Intindihin mo din ako." Marahan na ang boses niya ngayon.

"You want me to sacrifice for you, right? You ask me before about that. Gusto mo kong magsakripisyo kagaya ng ginawa kong pagsasakripisyo kay Cyrille."

"Okay na, sapat na yong nagstay ka sakin. Nakita ko ng nagsacrifice ka para sa akin at ayoko ng ulitin mo iyon dahil nalalagay ka lang sa alanangin. Look at you, nagstay ka kahit na dapat ay nasa Paris ka na at nagpapaopera. Kung sinabi mo lang kaagad noon, ako mismo ang magtutulak pabalik sa'yo sa Paris."

"What about my career?"

"If you want to dance then fine, I'm going to support you! I will wait hanggang sa makuntento ka na sa pagsasayaw. I will not stop you from what you want." ani niya.

"Please, Honey... just don't leave me... I don't understand why you always leave me... Please hindi ko na alam yong gagawin ko kapag iniwan mo na naman ako. Please..."

Bumuhos ang luha ko at agad ko iyong pinunasan. Lumapit si Enrique sa akin pero umiling lang ako sa kanya.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan. Hindi ko na alam kung alin ba ang totoo sa mga narinig ko.

Hindi ko kayang tanggapin na ganon nalang yong paliwanag niya. Hindi naman niya tinaggi na talagang plinano niyang makaganti sa akin pero nag-aalinlangan pa din ako.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon