KABANATA 7

3K 47 10
                                    

KABANATA 7

Protector



Nandito ako sa rooftop ng school ngayon at nag-ngangangawa. Paano ba naman kasi pinahiya ako ni Enrique sa klase. Bwisit na lalaking yon walang ginawa kundi bwisitin ako at guluhin yong buhay ko.

Nananahimik ako tapos bigla-bigla nalang akong bubulyawan. Pinapagawa ko lang naman sa kanya yong summary ng project namin. Ako na nga yong gumawa ng lahat tapos summary nalang gagawin niya ang tamad-tamad niya pa.

Sinigaw-sigawan niya ako na ako daw yong tamad. Nag-away pa nga sila ni Cyrille dahil pinagtatanggol niya ako sa demonyo pero mas lalong nagwala yong demonyo. Imbis na makisawsaw pa ako sa away nila. Pinabayaan ko sila at nagtatakbo ako dito sa rooftop.

Kung makabulyaw siya sa akin, akala mo wala siyang kasalanan sa akin. Pinagsamantalahan niya yong mga labi ko noong isang araw. Tapos noong isang araw, umamin pa siya sa aking may gusto siya sa akin tapos kung tratuhin niya naman ako ngayon parang wala lang.

"Tumigil ka nga sa pagdadabog mo." napatingin kaagad ako sa gilid ko at nakita ko siyang naglalakad papalapit sa akin.

"Summer."

"Ang ingay mo. Naaalibadbaran ako sayo!" sabi niya tapos naupo siya sa tabi ko.

"What are you doing here?"

"Magrerelax kaya manahimik ka kasi nakakarindi ka." napatulala ako sa kanya. Napahawak pa ako sa noo niya kasi baka naman nilalagnat tong babaeng to.

"Wala akong sakit. Baliw!" sabi na naman niya na ikinagulat ko. I didn't expect na ang isang Summer Marquez. Magsasalita ng ganito. Yong walang pakiaalm kung magbago yong tingin ng tao sa kanya.

Napakaprangka. Napakasungit. Ganito ba talaga siya?

Akala ko kasi anghel siya. Mabait, hindi palaaway.

"Bakit nandito ka? Hindi mo inawat yong boyfriend mo don tsaka yong suitor mo."

"Hayaan mo sila don. Nakakasawa na silang awatin. Ikaw kaya mag-awat sa kanila. Tutal ikaw naman may kagagawan kung bakit sila nag-aaway."

"Si Quen yong may kasalanan. Pinagtanggol lang ako ni Cy. Bumalik ka na don at awatim mo sila tutal naman sayo lang sumusunod yong dalawang yon. Ikaw naman yong pinag-aagawan nilang dalawa---

"Tanga ka na nga, manhid ka pa!" sabi niya tapos binatukan ako ng pagkalakas-lakas. Hindi ako nakaganti kasi naman natatanga ako sa kinikilos niya.

"Mahal ka nung dalawang yon."

"Impossible!" sabi ko tapos binatukan na naman niya ko. Nakakarama na to ha!

"Halatang-halata naman. Sa kilos palang nila alam ko ng mahal ka nila. H'wag mo nga akong turuan. Kasama ko yong dalawang yong ng ilang taon na at kilalang-kilala ko sila." Napahalukipkip siya at napasandal sa akin hababng napapahikab.

"E'di ikaw na!" sabi ko at napairap sa kanya.

"Pero Ayessa. Kahit anong mangyari h'wag na h'wag kang maghahabol sa pagmamahal ng isang tao. Hayaan mong sila yong magbigay nito sa'yo. H'wag na h'wag kang magpapakatanga, Ayessa. Maghintay ka lang, darating din yong sa'yo. Babae ka kaya dapat hindi ikaw yong naghahabol." sabi niya at napatitig lang ako sa kanya.

"I'm sorry kung naglihim kami sa'yo. I'm sorry kung inagaw ko siya sa'yo." sabi niya at natahimik kaming dalawa. May sira na ata sa ulo tong babaeng to. Kung anu-anong pinagsasabi.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon