KABANATA 20

2.8K 44 7
                                    

KABANATA 20

Pinaglaban



Binaba ko siya dahil nangalay na ko sa pagbuhat sa kanya. Bahagya akong lumebel sa kanya para mas mapagmasdan ko siya. Bigla niyang hinawakan ang buhok ko habang nakakunot.

"Why did you cut your hair? Mas maganda yong curly long hair mo..." Napangisi ako sa sinabi niya.

Hindi naman niya maiintindihan kung bakit ko ginawa yon. Masyado pa siyang bata para sabihin ko sa kanya na parte yon ng pagmo-move on ko.

"Mainit e. Bakit hindi mo pa suot yong gown mo?" tanong ko sa kanya nang nakita kong nakalatag pa sa kama yong gown niya.

"E kasi nagpaturo ako ng ballet kay Tita charm. Si mommy na daw ang magbibihis sa akin mamayang 3:45" sabi niya at napatango-tango lang ako.

Biglang hinawakan ni Celestine yong kamay ko at naglakad kami papalapit kay Charm.

"Tita Ayessa, Si Tita Charm po pala. She is Tito Honey's friend. Marunong din siyang magballet just like you. Tita Charm, this is Tita Ayessa. Tito Honey's girlfriend." gulat akong napatingin kay Celestine.

Nginitian naman niya ko ng ubod ng lapad. She used to call Enrique as Tito Honey. Tawagan kasi namin yon ni Quen at palagi niyang naririnig sa amin. Tuwang-tuwa siya kapag naririnig niya akong tinatawag na honey si Quen kaya ginaya niya ako.

"Celestine. I'm no longer your Tito Honey's girlfriend. He's not my boyfriend anymore." napasimangot naman siya kaya napaluhod ako para magkalebel na ulit kami.

"B-bakit?"

"Kasi..." nag-isip ako ng dahilan ko.

"Bakit hindi na kayo? Hindi mo na ba love si Tito Honey?" nakita kong nangilid na nang mga luha yong mga mata.

Napapikit nalang ako. Gusto kong sabihin na oo, mahal ko pa yong tito mong loko-loko pero wala naman mangyayari kung aaminin ko pa yon. I am too late.

"Love ko si Tito Honey mo pero hanggang kaibigan nalang. Besides may bago ng girlfriend si Tito Honey and i'm sure you will like her." sabi ko sa kanya at napailing-iling lang siya.

"Sino naman yon?" mahina niyang sabi.

"Si Tita Charm." sabi ko at nakita kong nanlaki yong mga mata ni Celestine.

"Naku, Ayessa. Hindi niya ako girlfriend. We're just friend." sabi ni charm kaya napalingon ako sa kanya at nakatingin lang siya sa amin na akala mo batang paslit na tinutukso sa crush niya.

"But he said that you're his girl."

"Hindi no. Nogjo-joke lang yon. Besides paano niya naman ako magiging girlfriend kung hindi naman niya ako nililigawan. Tsaka kung liligawan man ako non busted kaagad sa akin yon. Hindi ko siya type no. Mas gusto ko pa si Cyrille kaysa sa kanya----" kaagad siyang napatakip sa bibig niya at halos mamula na parang kamatis yong mukha niya

"AHHHH! H'wag mong ipagkakalat yon ha!" napatawa ako sa kanya. So si Cyrille pala ang gusto niya ha.

"Uy Ayessa, secret lang yon ha!" nakanguso niyang sabi habang nakahawak sa braso ko at panay ang pagyugyog sa akin.

"Okay! Okay!" sabi ko habang natatawa pa din at siya naman parang bata na hindi mapakali dahil nabunyag yong crush niya

"Ikaw kasi dinadamay mo pa ko sa kalokohan mo e. H'wag niyong ipagkakalat yong sinabi ko kanina ha. Ikaw din Celestine ha. At Celedtine, hindi kami ni Tito Honey mo ha. Never! Kung may girlfriend man siya dito, si Tita Ayessa mo yon!" nakanguso niyang sabi sa akin.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon