KABANATA 43

1.1K 21 0
                                    

KABANATA 43

Ginusto



"Iipitan ko nalang ulit." Sabi ko dahil panigurado mag-aalala na naman siya.

Concept ng photoshoot niya kila Enrique ay classical ballet. Nakita ko yong inedit na picture ni Andrew kanina at mukha itong fairytale kaya halos kabahan ako dahil sa pang-aakong ginawa ko.

"It's okay. Mas bagay ngang nakalugay ang buhok mo. Hindi naman to pormal ballet shoot. Gusto kong output ay classical ballet na may pagkafairytale ang itsura." Napakunot ang noo ko.


"Nelfa, could you please fix the hair of Ayessa. Kulutin mo at lagyan mo ng kung anu-ano para mas magmukhang enkantada yan." Napasinghap ako at kaagad na tinulak ni Sean para makalapit na ako sa mag-aayos ng buhok ko.

Naiilang akong pumunta sa tapat ng camera. Hindi kasi ako palagay sa itsura ko. Pakiramdman ko kasi ay ang kapal kapal ng make-up na nilagay sa akin dahil sa madaming pinahid sa mukha ko kanina.

Yong buhok ko naman ay parang umalsa ng konti dahil kinulot ang lahat ng buhok ko. Dulo lang kasi ng buhok ko ang natural na kulot.

Kaagad na naglahad ng kamay si Enrique sa akin. Mataman pa rin ang pagkakatitig niya sa akin. Halos malusaw ang puso ko ng bigla siyang ngumiti sa akin at niyakap ako.

"Hey, magsho-shoot tayo. Madaming magtataka sa kinikilos mo!" Bahagya ko siyang tinulak

Napatingala ako kanya ng bahagya siyang lumayo. Titig na titig sa akin kaya kumunot ang noo ko. Bumaba ang mukha niya papunta sa mukha ko kaya napapikit ako.

"I don't care. Let them be jealous." Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

Narinig ko ang bulong bulungan ng mga tao sa paligid namin. Yong iba halatang namamangha sa aming dalawa. Yong iba naman natatawa ako dahil hindi alam na kami pala ni Enrique.

"I miss you." sabi ko at hinalikan ang tungkil ng ilong niya.

Bahagya niya akong binuhat at narinig ko ang pagsigaw ni Ate George sa gilid. Akmang titingin ako sa kanya pero pinigilan ako ni Enrique. Pinako niya ang noo niya sa noo ko sa kanya para siya lang ang matitigan ko.

"I want all your attention. Pabayaan mo sila." I could smell his sweet breath that had blown across my face. I had no idea if that suddenly made my heart beat so fast.

"Siraulo. Pagagalitan tayo ni Ate George."

"Pabayaan mo siya. Ginusto niya to e. Pinagsama niya tayo alam naman niyang kapag tayong dalawa na magkasama may sarili na tayong mundo."

Bumaling ako sandali kila ate George. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha.

"You want a good shot?" Napatawa sa gilid ko si Enrique.

Dahan dahan niya akong binaba at niyakap mula sa likuran ko. Mapanuksong ngiti ang ibinigay ko kay Ate Georgina.

"What do you want?" ani ate George

Napatingin ako kay Sea at nakita kong napapailing siya. I am just doing him a favor. Kaya nga niya akong kinuhang partner niya para sa shoot na ito dahil gusto niyang maging matunog ang pangalan niya sa industriya ng pagmomodelo.

"I want you to pair Sean Rodriguez to Isabella San Roque." Napangisi si Ate Georgina.

"Ayessa!" Narinig ko ang pagtutol ni Sean sa gilid at nakita ko sa gilid ng mata ko ang saktong pagpasok naman ni Isabella sa kwarto na walang kamuang-muang sa mangyayari sa kanya.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon