KABANATA 18

2.6K 48 8
                                    

KABANATA 18

Magpapatalo



Isang kotse yong papalapit sa akin habang panay pa din ang pagbusina. Hindi ko akalain na nasa daanan na pala ako ng sasakyan.

"Ayessa!" sigaw ni Cyrille sa di kalayuan.

Nagulat nalang ako ng may biglang humatak sa akin at napayakap sa akin ng mahigpit.

"Fuck. That car nearly hit you!"

Kaagad akong napatingin sa nakayakap sa akin. Halos manlaki yong mata ko ng makita ko kung sino yong nakayakap sa akin.

"Goodness that was too close for comfort." mariin siyang nakapikit at sobrang bilis ng paghinga niya.

"Quen?" mahina kong tawag sa kanya at sinamaan niya lang ako ng tingin. Halos malukot na yong mukha niya sa pagrereklamo ng guard.

"Bulag ka ba? Nakita mong nakasenyas ako ng stop tapos bigla-bigla kang tumatawid!" sigaw na naman nung guard at nakakatawag na siya ng attensyon sa ibang tao.

"Pasesya na manong." paumanhin ni Cyrille.

Nasa gilid na kami at malapit na sa entrance ng mall. Napanguso nalang ako dahil sa katangahan ko. Nakayakap pa din sa akin si Enrique at panay ang paghaplos sa buhok ko.

"Sinigawan na kita kanina na umatras ka hindi mo pa pinansin! Ano ka ba bingi?! Pasalamat ka mall to at hindi highway kundi lasog-lasog na ang katawan---" sigaw sa akin ng guard kaya napayuko lang ako dahil napahiya ako.

"Enough! Hindi mo kailangan sumigaw, bossing. Humingi na nga nang pasensya kanina di ba? Kulang pa ba sa'yo yon? Kailangan mo pang magsalita ng ganyan?! Paano kung ibang tao yong sinisigawan mo ngayon tapos bingi pala talaga. What will you do? Masyado ka nang nakakainsulto. Humingi na nga ng paumanhin sa'yo pero sumosobra ka na!" sigaw niya at nakita ko naman na napaatras yong guard sa tono ng pananalita ni Enrique.

"That's enough, Quen." saway ko sa kanya.

"Pasensya na po sa mga nasabi ko. Kinabahan po kasi ako kay ma'am. Ginagawa ko lang yong trabaho ko---"

"Pwes hindi mo ginagawa ng maayos yong trabaho mo. Hindi mo kailangan sigawan yong tao para paliwanagan." Pagkasabi niya non kaagad niya kong hinila papasok ng mall habang si Cyrille naman nakasunod lang sa likod namin.

"Ikaw kahit kailan ang tanga-tanaga mo sa daan!" sigaw niya sa akin kaya naman napapayuko nalang ako imbis na makipagtalo pa sa kanya.

Ang lakas ng boses niya. Nakakahiya kasi pinagtitinginan kami ng mga tao. Itong lalaking to kapag nagagalit walang pakialam sa sinasabi niya.

Sasabihin niya lahat ng masasakit at gusto niyang sabihin kahit anong oras, kahit nasaan pa siya. Hindi niya alam yong salitang PRIVATE.

Nagulat ako ng may humila sa kabilang kamay ko at peraho kami ni Enrique na napahinto sa paglalakad. So ano na ngayon? Tug of war ?

"She's my date." Sabi ni Cyrille at naramdaman kong hmigpit yong hawak ni Quen sa akin

"Yeah and you're very irresponsible date. Hinahayaan mong masagasaan yong kasama mo." Napakunot yong noo ko sa sinabi niya. Hindi naman kasalanan ni Cyrille kung bakit kamuntikan na akong masagasaan kanina.

"Back off." sabi lang ni Cyrille sa kanya.

Nagsukatan lang silang dalawa ng tingin tapos maya-maya hinila na ko ni Cyrille papalapit sa kanya. Nagulat ako ng binitiwan ako ni Quen kaya napatingin ako sa kanya at ganoon din siya. Napailing lang siya tapos naglakad na papasok ng bowling area tapos sumunod na din kami ni Cyrille.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon