KABANATA 1

7.2K 72 3
                                    


KABANATA 1

Wish granted



"Sus hindi naman niya mahal yon. Kasi kung mahal niya yon susundan niya yon sa London tapos pababalikin niya dito. Kung hindi niya din naman susundan o hahabulin si Aliyah, maghanap nalang siya ng iba. Gwapo naman siya. Masama nga lang ugali." sabi ko tapos napatawa sila mommy sa akin.

"Hay nako. Bata ka pa talaga. Maiintindihan mo din ang love kapag nagmature ka na. Mahahanap mo din yong taong para sayo." sabi ni ate Checks. Mahahanap? Nahanap ko na ate. Kaya nga gusto kong lumipat sa DLSU para makasam ko na siya.

"Bakit si Timothy ba nahanap niya na yong para sa kanya?"

"Hindi ako si Timothy kaya hindi ko masasagot yan." malumanay na paliwanag sa akin ni ate Checks

"Masasagot mo yan. Just observe him, ate." kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Tinignan ko si Timothy na tahimik na nakaupo sa sala at nakatuon ang buong atensyon sa TV.

"Based on my observation, hindi pa niya nahahanap yong taong gusto niya kasi masungit pa siya na akala mo palaging may dalaw. Hanapan ko kaya siya ng kapalit ni Aliyah? He doesn't do anything to win Aliyah's heart. Ni hindi nga nakipagbalikan kay Aliyah yan! He doesn't make desperate moves---"

"He doesn't need to do it, Ayessa. If you love someone, let them go. You don't have to be desperate and force something that will eventually hurt you." Umiling ako.

"Hindi ko naman sinasabi na desperadong desperado talaga, ate. But sometimes you have to become a little desperate to show someone that you're worth it, you're willing to give everything for them... If you really love someone, you have fight for your feelings. You have to show them that you want them at kapag hindi talaga umubra. Then let go, at least you've tried. A" Napangiti ako habang sinasabi yon at naalala ko si Cyrille.

May mga bagay lang talagang dapat isinasakripisyo. Mga bagay na kailangan ipilit para magwork ang isang bagay.

"Ano ba yang pinagsasabi mong bata ka?" nakatikim na naman ako ng batok sa mama ko.

"I'm just saying mom na minsan kailangan gumawa tayo ng paraan para sa taong mahal natin. 'Yong tipong susuyurin niya yong buong mundo kapag iniwan tayo nong taong mahal natin. Tipong hindi siya mabubuhay kapag iniwan siya nong mahal niya." sabi ko habang hinihimas ko yong likod ng ulo kong binatukan na naman ni mommy. Si ate Checks naman tawa lang ng tawa sa kalokohan ko.

"Ikaw bata ka puro ka kalokohan!" sita ni mommy sa akin.

Napairap nalang ako. Bahala sila kung ayaw nilang pakinggan at intindihin ang sinasabi ko. Bahala sila kung para sa kanila ay pambata pa din ang mga sinasabi ko. That's my view in love...

"Mommy baka magkalimutan tayo! Ilipat mo na ko don mommy sa school ni Timothy. Ayoko na sa school ko. Please, kahit anong kapalit gagawin ko." pagmamakaawa ko habang nakalapat pa yong dalawa kong kamay at nagmamakaawa sa kanya.

"Kahit ano?" nahimigan ko ang tuwa sa boses ni mommy.

"Oo kahit ano basta ilipat mo na ko sa La Salle. Please!"

"Ano namang kapalit?" tanong ni Ate Checks.

Napatingin ako bigla kay mommy at nakita ang labis na tuwa sa kanyang mukha.

"She'll dance again. She'll also audition at SAB." simpleng sagot ni mommy. Lumaki yong mga mata namin ni Ate.

"Ayon lang pala e. Deal!" sabi ko sabay kuha sa kamay ni mommy at nakipagshakehands pa sa kanya.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon