KABANATA 36

2.9K 52 7
                                    

KABANATA 36

Wild fire


Nabalot ng katahimilan yong buong kwarto. Tanging pagtunog lang ng mga daliri ni Enrique yong nangingibabaw.

"Kayo ngang tatlo. Tigilan niyo muna pagpapantasya kay Ayessa--"

"Why not? Boyfriend niya ako." Inis na sagot ni Enrique

"H'wag kang praning. We just missed her laugh. That's all." Bwelta ni Cyrille.

"Don't be so possesisve, man. She's not yet yours" sabay titig ng masama ni Sean kay Enrique.

Napairap nalang ako sa kalokohan ni Sean. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganyan yan umasta. Alam ko namang hindi kami talo.

"Ikaw! Kanina pa ko napupuno sa'yo. Bakit ba nandito ka?"

"Just don't mind him, Quen. Classmate lang yan ni Ayessa noon sa UCLA." Sagot agad ni Cyrille at alam kong gulo ang mangyayari kapag may nalaman pang iba si Enrique.

"He's also her ex-boyfriend!"

Napatawa lang ng matabang si Sean at kaagad ko siyang tinitigan ng masama. Don't you dare, bakla!

"So what kung ex-boyfriend niya ako? Am i not allowed to visit my beloved ex-girlfriend?H'wag kang possessive pre kung ayaw mong matulad sa amin, nagkahiwalay."

Kaagad na pinigilan nila Jerome si Enrique dahil akmang susugurin niya si Sean.

"Don't worry. Ex-boyfriend pa lang ako. Di ko pa siya kinukuha sa'yo."

"Sean!" Saway ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

Kaagad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Nakita akong pumiglas si Enrique sa pagkakahawak nila Jerome. Napailing nalang ako sa nangyari.

Pumigil na si Cyrille sa kanilang dalawa. Naupo si Sean malapit kila Kuya Timothy samantalang si Enrique naman ay lumapit sa akin at marahan na hinaplos ang pisngi ko.

"Pilay na ba ko?" Tanong ko kay Cyrille.

Napabaling siya sa akin habang ine-examine niya ang paa ko. Tinanggal niya ang mga bendang nakabalot dito pati na rin ang makapal na karton.

Kinabahan ako habang hinihintay ang sasabihin niya. Tahimik lang silang lahat at para bang hinihintay din ang sasabihin ni Cyrille.

Naramdaman ko ang paninigas ng kamay ni Enrique. Nakapatong kasi ito sa kamay ko kaya marahan ko itong kinuha at pinagsaklob ang mga kamay namin.

I will surely need his strength. Kung ano mang marinig ko, sisiguraduhin kong magiging okay ako. Kay Quen ko nalang ibubuhos ang atensyon ko.

"C-can you try to move it?" Napakagat ako sa labi ko.

Unti-unti kong sinubukang igalaw ang mga paa ko. Inuna ko ang kanang paa ko. May ilang parteng makirot pero nabunutan ako ng tinik ng maigalaw ko ito. Sinubukan kong itaas at na itaas ko naman ito.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Enrique sa gilid ko.

Sinunod ko naman ang kaliwa kong paa. Napangiti ako ng mai-anggat ko ito ng walang kahirap-hirap. Narinig kong napangisi sa gilid ko sa Enrique at mas lalo pang humigpit ang paghawak niya sa akin.

"Seems like there's no problem then." sabi niya pagkatapos ay nagsulat siya sa board na hawak niya.

"Bakit nilagyan ng balot kung wala naman palang problema?" Tanong ni Kuya Timothy at marahang hinaplos ang paa ko.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon