KABANATA 47

1K 16 4
                                    

KABANATA 47

Truth

"Hindi yon, Ayessa." Napapailing niyang sabi at halos kainin niya na yong salita niya dahil sa sobrang pag-iyak.

Hinila ko siya papunta sa pantry para naman doon kami mag-usap. Habang papunta kami sa pantry ay panay ang paghingi niya ng sorry sa akin.

Gusto ko na nga siyang sigawan para lang tumigil na siya sa kakaiyak dahil halos hindi na siya makahinga sa ginagawa niya. Iniwan ko siya sa isang table at pagkatapos ay kinuhaan ko siya ng inumin.

"Kumalma ka muna bago tayo mag-usap." sabi ko sabay abot ng tubig sa kanya.

Pinagmasdan ko lang siya at ilang beses akong napairap dahil sa reaksyon niya. Para siyang bata kung umiyak. Kulang nalang maghalupasay sa kakangawa niya.

"Okay ka na?" Tanong ko at napatango siya.

"Ngayon, magkwento ka ng maayos. Bakit ka panay sorry? Di ba sabi ko naman sa'yo bigyan mo muna ko ng time? Magiging okay din tayo soon." Umiwas siya ng tingin sa akin at pinaglalaruan niya yong bibig ng baso.

Never naman akong nagtanim ng galit sa isang tao. Kahit nakakagawa sila ng kasalanan o kamalian sa akin ay pinipilit kong intindihin.

Ngayon pagbibigyan ko siya para mag-explain kung bakit humantong kami sa ganong eksena. Pagbibigyan ko siyang magpaliwanag ng side niya at makikinig ako sa sasabihin niya.

"Noong nakaraang taon, halos bumagsak yong buhay ko dahil pinatigil ako ng daddy ko sa pagsasayaw..." Bigla akong kinabahan ng tumingin siya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung saan to patungo. Ito ba yong dahilan kung bakit niya ako inaway doon sa may bundok?

"Maiintindihan mo ako kasi nangyari din sa'yo ito. Pinagbawalan ka ng mommy mo na magsayaw ng ballet dahil sa hindi malamang dahilan di ba?" Napatango ako.

"Ikinuwento ka ni Enrique sa akin noon kaya naman alam ko. Simula noong una ka niyang makilala hanggang sa umalis ka. Di gaya mo, ako naman alam ko yong dahilan kung bakit pinatigil ako..." Napailing siya at biglang nagpalumbaba sa mesa.

"Hindi naman daw ako magaling magsayaw kaya h'wag na daw akong mangarap pa na magiging mahusay na ballerina. Isang sampal yon sa akin dahil pinatigil na nga ako, naikumpara pa ako sa kapatid ko."

Unting unting lumandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinigilan ko ding mapaiyak dahil naaalala ko yong sarili ko sa kanya. Yong mga panahon na pinapatigil ako ni mommy na magsayaw.

Yong paulit-ulit niyang ipinapamukha sa akin na hindi ako magaling at kahihiyan lang ako sa pamilya namin.

Sobrang sakit non. Na kahit anong pilit na tabunan o itago iyon, lalabas at lalabas yon para ipaalala sa'yo yong sakit.

"I was forced to manage our business dahil nalulugi na ito. Walang tagapagmana sa negosyo namin dahil pareho kaming nakatutok ng kapatid ko sa pagsasayaw. Kaya naman nai-merge yong company ng Tobias at Veron dahil sa pagkalugi ng kumpanya namin."

May ideya ako kung anu-ano yong nakapaloob sa sasabihin niya. Hindi ko lang alam kung kakayanin ko bang malaman ang lahat sa kanya. Narinig ko na ito mula sa taong mahal ko, hindi nga lang buo.

Kahit gustuhin ko mang umalis na para makapagpahinga. Hindi ko magawa dahil ito yong kwento na pupuno sa pagkatao ko. Ito yong kwentong hindi ko nasaksihan noon dahil wala ako.

Siya ang magiging kasagutan sa mga katanungan ko. Siya ang magpupuno sa mga detalyeng hindi maibigay sa akin ni Enrique.

"Mabuti nalang handang tumulong yong daddy ni Quen. Hindi siya nagdalawang isip sa ideya ng pagmemerge kahit na may chance na malugi din sila. Kaya malaki ang utang na loob namin sa kanila." Napasinghap ako sa narinig ko.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon